Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
gun QC

2 basag-kotse 2 pang suspek patay sa Kyusi

DALAWANG basag kotse at dalawang holdaper ang napatay makaraang maki­pag­barilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa magka­hiwalay na operasyon, kamakalawa ng gabi at kahapon ng madaling araw.

Sa ulat kay QCPD di­rect­or, Chief Supt. Joselito Esquivel, ang unang insi­den­te ay naganap dakong 8:35 pm sa Arburetum Road, Barangay Old Capitol Site, Quezon City.

Nauna rito, natuklasan ni Lorenz Cordero na binasag ang salamin ng kan­yang Toyota Innova  at nawawala ang kanyang laptop at iba pang gamit, habang nakapa­rada sa parking lot ng Jollibee Philcoa, Common­wealth Avenue, Quezon City.

Ipinaalam ng biktima ng insidente sa security guard.

Nagkataon kumakain sa fastfood ang mga operatiba ng District Special Opera­tions Unit (DSOU) na nagpa­patrolya sa lugar kaya, nalaman ang insidente.

Sa tulong ng saksi, nakita nila ang dalawang sus­pek na tumawid at du­ma­an sa footbridge sa kabila ng Commonwealth Avenue. Nakasuot ng orange at green long sleeve ag dala­wa.

Agad sinundan ng gru­po ng DSOU sa pangunguna ni Insp. Jennifer Cabigan ang dalawang suspek.

Namataan ang mga suspek sa Arburetum road pero imbes sumuko, kanilang pinaputukan ang mga operatiba kaya nagkaroon ng shootout na nagresulta sa pagkamatay ng dala­wang suspek.

Narekober sa dalawa ang isang kalibre. 38, isang kalibre .45, apat na sachet ng shabu, MacBook Air laptop at iba pang gamit ni Cordero.

Samantala, dakong 3:15am kahapon, nang ma-enkuwentro ng mga operatiba ng QCPD Police Station 6 ang dalawang holdaper sa Brgy. Holy Spirit, Q.C. Bago ang insidente, nakatanggap ng tawag ang pulisya na may apat na kalalakihan ang kahina-hinalang umaaligid sa isang nakasaradong convenience store sa Sto Nino St., Brgy. Holy Spirit.

Nang respondehan,  naabutan na dinidistrungka ng mga suspek ang kandado ng tindahan.

Nang sitahin, nagpula­san ang apat dahilan para  habulin ng mga operatiba. Sa pagtakas ng mga sus­pek, pinaputukan nila ang mga pulis kaya nagkaroon ng barilan na nagresulta sa pagkamatay ng dalawa habang ang dalawa naman ay nakatakas.

Narekober mula sa mga suspek ang dalawang kalibre .38 baril.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkakilanlan ng apat na napatay.

(ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …