Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Miko Livelo Ketchup Eusebio Jessy Mendiola Joross Gamboa Arjo Atayde
Miko Livelo Ketchup Eusebio Jessy Mendiola Joross Gamboa Arjo Atayde

Joross, laging lasing — Jessy

 “MUKHA kang Arabo,” ito ang sabi namin kay Joross Gamboa nang makita namin siya sa TOL presscon kasama sina Arjo Atayde at Ketchup Eusebio na mapapanood na sa Enero 30 handog ng Reality Entertainment mula sa direksiyon ni Miko Livelo.

Sobrang kapal na kasi ng balbas ni Joross na halos natatakpan na ang kaguwapuhan.

“Oo nga, eh.  hindi ko puwedeng tanggalin kasi may project. Naiinis na nga sa akin asawa ko kasi hindi ko mahalikan ang mga anak namin kasi baka magka-rashes sila,” saad ng aktor.

May malaking dulot ang pagiging balbas sarado ni Joross dahil, “kailangan kasi kontrabida, so wala akong choice,” sabi pa.

Oo nga pala, isa si Joross sa matitirang kontrabida sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang si Tanggol dahil sina Jhong Hilario at Rommel Padilla ay mawawala sa kuwento dahil kakandidato sila sa Mayo.

Anyway, natanong si Joross kung bakit siya napa-OO sa pelikula. “The fact na sinabing kasama sina Ketchup at Arjo, naisip ko masaya ‘to plus si direk Miko pa ang direktor at sumulat ng script kaya alam ko masaya at saka lahat kami magkakaibigan,” masayang sagot ng aktor.

Jack of all trades naman talaga si Joross dahil puwede siya sa action, comedy at drama at sa katunayan ay bagay na bagay din sa kanya ang maging kontrabida.

Sinong mag-aakalang ang tigasing si Tanggol (Ang Probinsyano) ay maloko pala.

Ito rin ang kuwento ni direk Miko na sa tatlong bida niya ay si Joross ang, “siya para sa akin ang magaling kasi siya lang ‘yung hindi nawawalan ng energy sa set.”

Maski kasi off-camera ay hindi pa rin tumatahimik si Joross dahil lahat kinukulit.

Ito rin halos ang kuwento ni Jessy Mendiola na pinag-aagawan nina Dimitri (Joross), Lando (Arjo), at Arthur (Ketchup) sa kuwento ng TOL.

Ayon sa aktres, “Si Joross, grabe siya! Para siyang laging lasing. ‘Yung mga eksena, magugulat kayo, may mga eksena na nagugulat ka na lang, kasi siya na lang ang gumagawa.”

Nabanggit naman ni Joross na nagpaalam sila sa boyfriend ni Jessy na si Luis Manzano para sa mga eksenang gagawin nila at tuwang-tuwa naman ang TV host/actor dahil ganitong klase talaga ang gustong humor ng girlfriend niya.

Anyway, natanong ang aktor kung malaking factor sa asawa niya ang pagiging komedyante at um-oo naman dahil may mga ginagawa siyang mali pero ngayon ay matino na.

Alam na niya kapag lumiliit ang boses,’ yung parang duwende na ‘yung nagsasalita, alam na niya. ‘Sino yung kasama mo roon sa ano?’ ‘Ewan ko, ‘di ko alam (‘pag) pinapaliit ko na ang boses. Alam na niya (misis).’

“Ngayon, hindi na, sampung taon na rin kami ng asawa ko, alam na niya kapag nagpapalusot ako, eh. Pinatatawa ko na lang!” kuwento ng aktor.

Ayaw ikuwento ng cast kung ano pa ang mga ginawa nila sa pelikula basta magkababata silang apat nina Jessy, Ketchup, Arjo, at Joross at magkakaroon ng conflict dahil iisa ang gusto nilang babae, si Elena na karakter ng aktres.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …