Friday , December 27 2024

Monsour, maprinsipyo; Ilang beses tinanggihan ang Ang Probinsyano

MAPRINSIPYO palang tao itong si Monsour del Rosario. Hindi siya iyong sunggab lang ng sunggab sa mga iniaalok na trabaho maging sa telebisyon o politika.

Napatunayan ni Monsour, kasalukuyang representante ng District 1 ng Makati, ang pagiging maprinsiyo nang ilang beses niyang tinanggihan ang alok ng Dreamscape ng ABS-CBN na lumabas sa FPJ’s Ang Probinsyano dahil matatapakan o mababalewala ang prinsipyong pinaniniwalaan niya.

Inalok si Monsour, taong 2017 pa, para gampanan ang papel ng isang kongresistang protector ng drug lord. Tinanggihan niya ito dahil, “At the moment, I am a real congressman and I respect my job and I’m serving the country and the city. I don’t want to malign the image of what a true congressman is supposed to be.

“So I declined the role and I said to them sana bigyan nila ako ng role na medyo positive.

“Six months past or four months past, they called me back. And they said, ‘we have another role for you, a police general. PMA graduate.’ I said perfect, bagay sa akin kasi ang ‘Batch 87’ ng PMA mga mista ko ‘yan, ka-upakan ko sa Taekwondo. Ngayon mga general na sila. Kaya kong i-portray ‘yan.

“So I asked kung ano ang kuwento? Sabi nila, ako ang police general na protector ng congressman na protector ng drug lord. Eh, ‘di ganoon pa rin. So I said, give me something positive na parang mentor ni Coco Martin or somebody who trained him.

“Siguro congressman na lang na pumatay sa drug lord. Puwede ako na parang Duterte na ‘nobody will do this, I will do this.’

“And then four months past or three months, they called me again, ‘o you’re role now is positive. ‘A governor, na magba-back-up, magbibigay ng assistance kay Coco pero wala kang aksiyon.’ Sabi ko sayang naman. So they asked, ‘ayaw mo?’ Sabi ko pwede ako riyan, kaso ang taping Monday, Wednesday, Friday. Ang problema, Monday, Tuesday, Wednesday I work in Congress. Sabi nila mag-absent na lang. Ang sagot ko, ‘hindi puwede!’

“That’s my priority. That’s my main job right now. I can’t. The only time you won’t see me in congress is when I’m bring the national team to another country helping them win medals for the country,” mahabang kuwento ni Cong. Monsour nang makakuwentuhan naming pagkatapos ng paradang isinagawa sa Evangelista, Makati para sa kapistahan doon.

Sa usapin naman ng pagiging politiko, iniligwak siya ng mga dating kaisa sa partido nang igiit niyang dapat tulungan ang lahat ng mga taga-Makati, maging kalaban man o kakampi.

Sa kabilang banda, aminado si Cong. Monsour na tatakbong vice-mayor ngayon ng Makati, ka-tandem si Junjun Binay, na na-miss niya ang showbiz. “Lalo na sa mga dialogue na mahahaba. Na-miss ko na nasa set ako kasama ko mga stuntman, crew, utility, ibang artista. I really missed that kind of work.”

Kaya naman dalawang pelikula pa ang natapos ni Monsour, ang Because I Love You na pinamahalaan ni Joel Lamangan na mapapanood sa Feb. 27 at isang action film, ang Blood Hunters: Rise of the Hybrids directed by Vincent Soberano. Kasama rito ni Monsour sina Vincent at Sarah Chang na magagaling sa iba’t ibang klase ng karate.

At dahil likas kay Monsour ang pagtulong na siyang lagi niyang iginigiit na dapat maging trabaho ng isang public servant, isang radio show din ang gagawin niya na ang layunin ay lalong makatulong sa mga taga-Makati.

“I have tons of money that I need to finish by March 29,” giit ng actor/politiko. “I need to let people in Makati how they can avail for that help. Facebook, social media, sometimes, it’s not enough.

“So I figured, my wife, my team, some friends, telling me…my wife is a big fan of Raffy Tulfo. When she watches the show, another friend of mine, Paolo said, I have a great idea, why don’t we try this kind of tv series, radio-tv and they wanted it twice a week. And I said once a week.”

Pero iginiit ng mga kasamahan niyang gawing twice a week ang radio show para maipamigay ang tulong na karapat-dapat sa kanyang mga constituent sa Makati.

Ang titulo ng radio show ay AdVice ni Monsour na mapakikinggan/ mapanonood sa Radio Inquirer.

Open ang radio show ni Monsour sa mga nangangailangan ng tulong. “Handa namin (Makati) silang tulungan sa kung ano ang hihingin nila. Pero siyempre kailangan muna naming i-tsek kung ano ba iyon. It will be open to the Makati people whether from District 1 or 2.”

At muling iginiit ni Monsour sa amin bago pa man matapos ang pakikipag-usap sa kanya na, “I wanna serve everybody!”

 SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio  

 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *