Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel, pinataob agad ang katapat!

MULING pinatunayan ni Angel Locsin na siya pa rin ang nag-iisang aktres na magaling sa aksiyon. At ito ay muling napanood sa pagbabalik-action serye niya sa The General’s Daughter na napanood ang pilot episode noong Lunes sa ABS-CBN 2.

At dahil tinutukan ang pagbabalik-primetime ni Angel, pinataob niya ang katapat na programa. Halos doble ang naging lamang ng TGD sa pagpalo nito sa national TV rating na 34% kompara sa katapat nitong  Onanay na nakakuha lang ng 14%, ayon sa datos ng Kantar Media.

Naging mainit din ang pagtanggap ng netizens sa palabas matapos umani ng papuri online at manguna sa listahan ng trending topics sa Twitter, na umabot pa hanggang Martes (Enero 22) ng umaga.

Agad ipinakita ang galing ni Angel sa pakikipaglaban sa unang episode ng TGD nang ipakilala si 2nd Lieutenant Rhian Bonifacio. Natunghayan ang muntikan niyang pagkamatay nang mabaril sa dagat sa gitna ng misyong iligtas ang mga mangigisda sa West Philippine Sea mula sa Chinese coast guards. Napadpad siya sa isang dalampasigan na kinaroroonan nina Nanay Isabelle (Maricel Soriano) at anak nitong si Elai (Arjo Atayde), na nag-alaga sa kanya.

Hindi rin nagpahuli at nagpalamon sa aktingan si Arjo bilang isang special child kina Maricel at Angel. Excited kaming makita pa kung hanggang saan ang tatakbuhin ng karakter ng binata ni Sylvia Sanchez.  Sa pakitang aabangan kagabi, (Martes), makikita na si Angel nina JC De Vera at Cholo Barretto para ibalik siya sa mundong kinagisnan niya.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …