Saturday , December 21 2024

Solons natuwa kay PacMan

NAGPAHAYAG ng tu­wa ang mga kongresista sa panalo ni Senator Man­ny Pacquiao, 40 anyos, laban sa mas batang si Adrien Broner, 29 anyos.

Ayon kay Leyte Rep. Yedda Marie Kittilstvedt Romualdez, nagbigay ng karangalan si Pacquiao sa Filipinas.

“Sen. Pacquiao’s victory is a testament to the faith and resiliency of the Filipino spirit,” ani Romualdez, ang chair­person ng House com­mittee on accounts.

Para kay House Deputy Speaker at Bata­ngas Rep. Raneo Abu laging nariyan si Pacquiao para magbigay ng inspi­rasyon sa mga Pinoy.

“Sen. Manny is always there to give honor and pride for our country. Thank you and congra­tulations!” ani Abu.

“Pacquiao succeeded in proving to the world that a Filipino can stand up to the best of the best anytime, anywhere,” dagdag ni Abu.

Sa panig ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barber, ang chairman ng House committee on dangerous drugs, ina­sahan na ang pagkapa­nalo ni Pacquiao.

“Sen. Manny’s victory was expected and we thank him for bringing another honor to the Filipino people and to the country,” ani Barbers.

Kay Citizens Battle Against Corruption party-list Rep. Sherwin Tugna, ang chairman ng House committee on suffrage and electoral reforms, “Si Pacman ang salamin ng buhay nating mga Filipino.

“Pacquiao’s victory will lift up the spirit of many Filipinos. It is definitely a big morale booster to us,” ani Eastern Samar Rep. Ben Evardone.

Para kay PBA Partylist Rep. Jericho Nograles, pinakita ni Pacquiao na “age is just a number.”

“Ang Pambansang Kamao, Sen. Manny Pacquiao proved today that age is just a number! Against a 29-year old, Pacman made the Philippines proud and we thank him for that. Si Sen. Manny ang ating Bayaning Atleta,” ani Nogales.

Para kay Samar Rep. Edgar Mary Sar­miento, muling ipinakita ni Pacquiao na hindi la­mang siya isang boxer kundi isang sports icon.

“Despite his age, he has shown so much speed, power and skill to defeat a much younger and much hungrier foe. Obviously, he still has so much to give in the world of boxing and we con­tinue to look forward for these exciting fights, inclu­ding a rematch with Floyd Mayweather, until he decides to retire,” pahayag ni Sarmiento.

(GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *