Saturday , November 16 2024
An artwork called "McJesus," which was sculpted by Finnish artist Jani Leinonen and depicts a crucified Ronald McDonald, is seen on display as part of the Haifa museum's "Sacred Goods" exhibit, in Haifa, Israel, Monday, Jan. 14, 2019. Hundreds of Christians calling for the sculpture's removal protested at the museum last week. (AP Photo/Oded Balilty)

McDonald na ‘ala Kristo’ malaking insulto sa Kristiyanismo

AALISIN na sa isang Israeli museum ang eskultura ng McDonald mascot na ipinako sa krus tulad ni Kristo kasunod ng mga protesta dahil malaki umano itong insulto sa mga Kristiyano na dagliang nagbuklod sa Christian minority ng bansa at ang populist culture minister nito at pro-Palestinian artist.

Naging sentro ng exhibition ang life-sized sculpture na nagpapakita kay Ronald McDonald clown na nakapako sa krus para bigyang pansin sanhi ng consumerism at relihiyon.

Sa iba pang mga piyesang sinasabing mga imahen ay nagpakita kay Hesus at Birheng Maria bilang sina Ken at Barbie children’s doll.

Umani ito ng mararahas na protesta nitong nakaraang linggo.

Ayon sa pulisya, naaresto ang isang lalaki dahil sa ‘suspicion of assault’ at sinisiyasat din ang dalawa pang indibiduwal na sinasabing nambato ng firebombs sa Haifa Museum of Art.

Tatlong pulis ang nasugatan sa pagsalakay ng mga nagpoprotesta na tinangkang pasukin ang museo.

“I object to this disgraceful sculpture,” pahayag ni Nicola Abdo, isang residente sa Haifa. “As a Christian person… I take deep offence to this depiction of our symbols.”

Ayon sa alkalde ng Jewish-Arab city ng Haifa, tatanggalin ang eskultura sa exhibition matapos makipagkonsulta sa mga lider ng simbahan.

“The sculpture will be removed and returned as soon as possible,” tweet ni Einat Kalish Rotem ng nanamggit na museo. “We regret the aggravation the Christian community experienced… and the physical injury and violence that surrounded it.”

Hindi nga lang sinabi ni Rotem kung kailan aalisin ang imahen, ngunit nakatakda itong ibalik sa Finnish museum na nagpahiram dito noong nakaraang taon.

Nakahanap ng kampeon ang mga Christian Arab, na bumubuo ng dalawang porsiyento ng Jewish majority sa Haifa, kay culture minister Miri Regev.

Sa pagtukoy sa religious sensitivities ng mga Kristiyano, nagbanta si Regev na puputulin ang pondo ng pamahalaan na nakalaan para sa museo.

Binatikos ang ministro ng justice ministry ng Israel para sabihing walang kapangyarihan si Regev para gawin ito.

Hiniling din ng McJesus sculptor na si Jani Leinonen ng Finland na alisin ang exhibit dahil ibo-boycott ang Israel sa solidarity ng mga Palestino.

Naging pananaw dito ng iba na posibleng oportunidad para sa rekonsiliyason.

“The winner today is the people of Haifa. The removal of this sculpture is a reflection of our desire to coexist in the city,” wika ng tagapayo ng mga lider ng simbahan na si Wadie Abu Nassar.

ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *