Saturday , November 16 2024
DBM budget money

Diokno muling ipinatawag ng Kamara (Sa P37-B bayad sa consultants)

IPINATAWAG muli ng House committee on rules si Budget Secretary Benja­min Diokno sa pagdinig ngayong araw patungkol sa mga kuwestiyonableng budget allocations ng ahensiya at ang pagpapa-bid ng P37-bilyong con­sultancy fees para sa mga proyekto ng admi­nis­trasyong Duterte.

Ayon kay House Majority Leader at Cama­rines Sur Rep. Rolando “Nonoy” Andaya, Jr., ang chairman ng komite, nararapat na sagutin ni Diokno ang mga alega­syon laban sa kanya imbes tumanggi sa media.

Ani Diokno, kumita nang bilyones ang DBM sa mga maaanomalyang transaksiyon.

“As we conduct our next hearing on Monday, we will even show that the DBM earned billions from these anomalous tran­sactions. All these money, unaccounted for accor­ding to CoA (Commission on Audit),” ayon kay Andaya.

Inatasaan ni Pangu­long Duterte si Diokno na huwag magpakita sa mga pagdinig ng Kamara.

Base sa mga doku­mento na ibinigay  ng Executive Director ng DBM-Procurement Service na si Bingle Gutier­rez, sinabi ni Andaya na ang gobyerno ay gagastos nang hindi kukulangin sa  P37-bilyones bilang pambayd sa mga con­sul­tant sa mga pro­yektong impraestruktura.

Nauna nang inaku­sahan ni Andaya si Diok­no nang pagpapalit ng anyo ng DBM na tila isang malaking bidding agency kung saan ipina-bid ang halos P198-bilyong halaga ng mga proyekto sa ilalim ng Build, Build, Build Program ni Duterte noong nakarang taon.

Bukod kay Diokno, muling inimbita rin si  Gutierrez gayondin sina Atty. Giovanni Lopez, Assistant Secretary for Procurement ng Depart­ment of Trans­porta­tion; Jun Magno, General Manager ng Philippine National Railways (PNR); Herminio del Rosario, Jr., OIC, Administrative and Finance Department ng PNR; Eddie Monreal, General Manager ng Mani­la International Airport Authority (MIAA); Gen. Reynaldo Berroya (Ret.), Executive Director of Light Rail Transit Authority (LRTA); Atty. Jose Jobel Belarmino, OIC, Office of the Deputy Adminis­trator ng LRTA; Mr. Eduardo Abiva, Division Manager, LRTA; Capt. Jim C. Sydiongco, Di­rector General of Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP); R/Adm. Elson E. Her­mogino, Commandant, Philippine Coast Guard; Undersecretary Gen. Arturo M. Evangelista (Ret), Administrator, Office of the Transport Security; at Gen. Edgar C. Galvante (Ret), Assistant Secretary, Land Trans­portation Office (LTO).

Inimbita rin si Dave M. Almarinez President at CEO ng Philippine Inter­national Trading Corporation (PITC); at Ma. Victoria C. Magcase, Vice President, PITC.

ni Gerry Baldo

About Gerry Baldo

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *