Saturday , November 16 2024
DBM budget money

P198-B proyekto isinalang sa bidding ng DBM — Andaya

NAGMISTULANG bids and awards committee (BAC) ng gobyerno ang Department of Budget and Management (DBM) sa pamumuno ni Secre­tary Benjamin Diokno nang isalang sa bidding nito ang P198-bilyong proyekto  ngayong taon.

Ayon kay Majority Leader Rolando Andaya Jr., ang mga proyektong ito’y bahagi ng Build, Build, Build program ng administrasyong Duterte.

Sumingaw ang ano­malya sa pagdinig ng House committee on rules noong Lunes na inako ng isang opisyal ng DBM na responsable sila sa bid­ding ng public works projects. 

Ayon kay Andaya, naging one-stop mega­mall ng mga proyekto ang DBM para sa contractors.

Sinabi ni Bingle Gutier­rez, executive director ng Procurement Service ng DBM, sila ang nagpa-bid ng mga proyekto ng ilang ahen­siya ng gobyerno at  govern­ment-owned and con­trolled corporations para sa mga big-ticket infra projects at iba pang mga kontrata mula 2017.

Kasama, umano, sa mga kontrata ang mga proyektong pagpatayo ng airports, railways at mass transport systems maging ang pagbili ng helicopter at mga kagamitan ng militar.

Giit ni Andaya, ang mandato ng Procurement Service ng DBM ay bumili ng office supplies para sa gobyerno kagaya ng envelopes, folders, ball­pens, pencils, inks, com­puters at iba pang kaga­mitang pang-opisina na mas mura kapag binili nang bulto.

“Now, it has morphed into a super body respon­sible for the bidding of multi-billion government contracts,” mariing patutsada ni Andaya. 

Aniya, ang mandato ng DBM ay pagsaayos ng  National Expenditure Program, pero sa pamu­muno ni Diokno, siya na rin ang nagpapasya kung sino ang makakukuha ng mga proyekto at kung sino ang babayaran.

“Hindi pala totoo ang sinasabi ni Sec. Diokno na hindi nakikialam ang DBM sa bidding at awar­ding ng government contracts. Hindi lang pala sila nakikialam. Sila na pala mismo ang nagsasagawa ng bidding at nagrerekomenda kung sino ang makakakuha ng mga proyekto,” ani Andaya.

“Mas magaling ba sa bidding ng airports at subway system ang mga taga-DBM-PS kaysa mga eksperto natin sa Depart­ment of Transportation? Mas mahusay ba silang bumusisi ng technical specification ng heli­copters at iba pang military hardware kaysa Department of National Defense?” mariing tanong ni Andaya.

ni Gerry Baldo

About Gerry Baldo

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *