Saturday , November 16 2024

Digong kabado sa alyansa ng simbahan at sambayanan

NAIS ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapi­gi­lan ang Simbahang Kato­lika na makipag-ugna­yan sa samba­yanang Filipino para tuldukan ang kanyang malupit at uhaw sa dugong rehimen kaya walang humpay na inaatake ang Simbahan.

Ito ang pahayag ni Fr. Santiago Salas, pinuno ng National Democratic Front –Eastern Visayas, kaugnay sa patuloy na pagbatikos sa simbahang Katolika.

“The GRP president’s attacks against the Church are not out of concern or just personal rancor, but a calculating fusillade to prevent the highest institution of moral authority in the predominantly Catholic country and the people from uniting and putting an end to his wicked and bloodthirsty puppet regime,” ani Salas.

Batid umano ni Du­ter­te ang kakayahan ng Simbahan na ayuda­han ang isang malawakang prente at igiya ang mga Katoliko laban sa mapa­nupil niyang pamaha­laan.

Puwede aniyang sapi­tin ni Duterte ang naging kapalaran nina Ferdinand Marcos at Joseph Estrada na pinatalsik ng mga mamamayan dahil sa pagiging brutal, corrupt at pagiging tuta ng interes ng mga dayuhan.

“His slanders are also out of fear of the proven mystique of the Church in giving moral ascendancy to the power of the people in ousting a puny histo­rical freak like him,” ani Salas.

Para kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, may kalayaan sa kanyang opinyon si Salas ngunit walang basehan ang kanyang pahayag.

“He is entitled to his own opinion as part of freedom of speech. But there is no basis for that statement,” sabi ni Panelo.

Lagi aniyang bukas si Duterte sa hapag ng negosasyon sa komunis­tang grupo sa kabila ng mga pananambang at pangingikil ng NPA.  

“The President is open to all, even if the  CPP-NPA has been launching  ambuscades and enga­ging in extortion activities, the President always reserves an opening a window for them to seek on a negotiation table the only condition he has proposed is stop doing the ambuscades and extortion and we will be back on the negotiation table,” ani panelo.

Samantala, iginiit ni Panelo na hindi naimpor­mahan si Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos sa opinyon ng mas nakara­raming Filipino na  may malaking tiwala at pasa­sa­lamat  sa pangulo at sa uri ng kaniyang pamama­hala sa bansa.

Sinabi  ni Santos ka­ma­kalawa  na ang pamu­muno ni Duterte ay isang kahihiyan sa bansa.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *