Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
money thief

P.3-M nadale ng salisi gang

TINATAYANG aabot sa P300,000 ang nakulimbat ng isang babaeng miyem­bro ng umano’y Salisi Gang, mga tseke, mama­haling gamit, cash, gadget at iba pa sa isang nego­syante sa loob ng clinic sa Muntinlupa City, Sabado ng hapon.

Halos manlumo nang dumulog sa himpi­lan ng Muntinlupa City Police ang biktima na kinilalang si Suzette Lavin, 44, upang irekla­mo ang nangyaring pag­nanakaw.

Patuloy pang inaalam ng pulisya ang pagka­kakilanlan ng babaeng suspek.

Base sa ulat, Sabado ng hapon dakong 5:44 nang mangyari ang pananalisi ng suspek sa loob ng Medicad Clinic Wellness Lane, sa ikatlong palapag ng Festival Mall, Barangay Alabang,sa Muntinlupa City.

Sinasabing nalingat umano sandali ang bikti­ma at bigla na lamang nawala ang assorted checks na nagkakahalaga ng P150,000; Givenchy bag na may halagang P100,000; P20,000 cash; Apple iPad -P13,000; BDO bank deposit slip para sa bayad sa AOFOG na P15,800; ATM cards, credit cards, flash drive at receipt booklet.

Sinusuri ng awtori­dad ang kuha ng CCTV sa lugar upang matukoy ang pagkakakilanlan ng babae at kung ito ay may mga kasabwat.

Nagsasagawa ng follow-up operations ang mga pulis sa nasabing insidente.

 (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …