PAGKATAPOS tuparin ang legislative agenda ni Pangulong Duterte, pagtutuunan ng pansin ngayon ng Kamara ang mga batas na dapat ipatupad at ang mga proyektong nakabinbin.
“We already finished the legislative agenda that President Duterte asked for in his SONA (State of the Nation Address last July 23). So now we will spend more time on oversight, because there are laws and the laws are good. Now they have to be implemented… oversight will be a lot of the work,” ayon kay House speaker Gloria Macapagal Arroyo.
Sa panig ni Deputy Speaker Raneo Abu ng Batangas, may malaking problema ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa road right of ways (RROWs).”
“We are also calling the attention of the DPWH to immediately respond to the queries and act double time to settle all issues surrounding the RROWs acquisition,” ani Abu.
Paliwanag ni Abu ang tagumpay ng mga proyekto ay nakatuon sa dalawang bagay —- ang road right of way at ang pagpasa ng pambansang budget.
Aniya, ang delay sa pag-aprub ng pambansang budget ay nakaaapekto sa P1.104-bilyong Batangas City–Bauan Bypass Road.
Ani Abu inaasahang magpapalawig ito sa sumasamang lagay ng trafik sa Batangas City, San Pascual-Bauan- Mabini portion ng Batangas City-Palico Highway.
Paliwanag ni Abu ang proyekto ay magpapabilis sa transportasyon ng mga produkto at serbisyo mula sa Batangas patungo sa iba’t ibang dako ng Filipinas at mundo.
Ani Abu, ang Batangas City-San Pascual-Bauan Bypass Road ay sinimulan noong 2017.
(GERRY BALDO)