SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hepe ng pulisya sa Bacolod City dahil sa pagkakasangkot sa illegal drugs.
“I’d like to know if the chief of police is here. If you are here kindly stand up because you are fired as of this moment,” anang Pangulo sa kanyang talumpati sa L’Fisher Hotel sa Bacolod City kamakalawa.
“In your involvement in drugs and making the people of Bacolod miserable, I am relieving and dismissing you from the service as of now, senior superintendent Francis Ebreo,” aniya.
Inianunsyo rin ng Pangulo ang pagsibak sa tatlo pang opisyal.
“Then you have Superintendent Tayuan… And Superintendent Yatar… and there is Victor Paulino, police SI… Macapagal, you are out,” dagdag niya.
Inutusan niya ang mga pulis na mag-report sa kanyang tanggapan ngayong 2:00 ng hapon.
Ayon sa Pangulo, pinoprotektahan ng nasabing mga pulis ang drug syndicate sa lungsod.
“But these persons that I have mentioned have something to do with the interest of the city… you are protecting, or you are in cahoots with the drug syndicate in the city,” giit niya.
Sina Ebreo, Macapagal at Paulino ay inilipat sa regional police Personnel Holding & Accounting Unit.
Samantala sa hiwalay na reassignment itinalaga si S/Supt. Henry Farnaso Biñas bilang office-in-charge ng Bacolod police.
Nitong nakaraang Sabado, sinibak din ng Philippine National Police ang lahat ng police officers kabilang ang hepe ng Daanbantayan station dahil sa poor performance sa anti-drug campaign.
ni ROSE NOVENARIO