Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
ombudsman

‘Red flags’ sa flood control scam ‘kumaway’ na sa Ombudsman

PUMASOK na ang Ombudsman sa isyu ng flood control scam at sa kasalukuyan ay kuma­kalap na ng mga doku­mento patungkol dito.

Ayon kay Majority leader Rolando Andaya, ang field investigators ng Ombudsman ay humingi na ng kopya ng mga dokumento at testi­monya  ng mga re­source persons sa pagdinig noong 3 Enero sa Naga City.

Aniya mukhang na­ka­halata na ang Office of the Ombudsman na may “red flags of corruption” sa mga ebidensiya na iniharap sa pagdinig ng House Committee on Rules.

“We have seen these red flags of corruption ourselves, and we are sure that these will not evade the eagle eyes of the country’s graft­busters,” ani Andaya.

Ang House rules committee ay makiki­pagtulungan sa Office of the Ombudsman at magbibigay ng lahat ng dokumentong kailangan nila.

“The evidence that keeps on piling up with the Rules committee are all public records. The testimonies of our resource persons were made under oath in a public hearing,” ayon kay Andaya.

Aniya, nagtamo na sila ng matapat na mga sagot mula sa mga inimbitahang mga tao kasama ang may-ari ng CT Leoncio at mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Bicol.

“May ilang isyu pa silang itinatago at ayaw aminin pero alam natin ito batay sa mga doku­mentong hawak namin. Alam namin kung sino ang nagsisinungaling at sino ang hindi,” ani Andaya.  (GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …