Wednesday , October 9 2024

Harlene, naiyak sa pa-block screening ni Kris sa Rainbow’s Sunset

Aminado si Harlene Bautista, producer ng Rainbow’s Sunset na ikatlong beses na niyang napanood ang pelikula pero lagi pa rin siyang naiiyak.

Nitong nakaraang Sabado, Enero 5 ay nagkaroon ng block screening para sa Rainbow’s Sunset na ginanap sa SM Megamall Director’s Club na inisponsoran ni Kris Aquino.

Pagkatapos namin mapanood ang napakagandang pelikulang Rainbow’s Sunset na deserving talagang manalong Best Picture ay napansing pasimpleng nagpahid ng mga mata niya si Harlene.

Ewan ko ba, lagi akong naiiyak pa rin.  Doon sa libing, sa namatay na, ewan ko, iba-iba. ‘Yung ibang eksenang naiyak ako noon, hindi ako naiyak ngayon. Basta, parang iba ‘yung impact sa tuwing napapanood ko. At saka ‘yung naririnig mong lines na ngayon ko lang narinig nang husto, tinamaan ako,” kuwento ng actress cum producer.

Hindi matapos-tapos ang mga papuring natatanggap ng bumubuo ng Rainbow’s Sunset kaya naman abot-abot din ang pasalamat ni Harlene sa lahat.

Sobrang salamat talaga sa suporta ng viewers, at saka siyempre kayo (entertainment press) kasi kayo naman ang nagpapakalat ‘di ba,” saad ng lady producer.

At dahil maraming awards ang natanggap ng Rainbow’s Sunset ay biglang dumami ang sinehang pinaglalabasan nito na rati’y nasa 20 theaters lang.

Kasi noong award’s night, parang 20 na lang kami, kami ‘yung pinaka-kaunti, tapos ngayon, almost a hundred or more ata,” napangiting sabi ni Harlene.

Sabay sabing, “Hindi ba puwedeng awards night kaagad on the opening day para naman maging fair sa lahat?

“Parang hindi fair kasi may usapan na may ganitong number ng sinehan, ‘tapos umabot na lang kami sa 20, sobrang down kami lahat, buong production kasi pinaghirapan talaga ng lahat, maski anong pelikula ‘yan, ke pangit o maganda sa paningin ng manonood, pinaghihirapan ‘yan.

Tapos after the awards night, ‘yung 20 theaters naging 100 plus theaters na, so roon pala ang basis. Kaya kung ganoon, eh, ‘di dapat unang araw pa lang ng showing ng MMFF, awards night na sa gabi para maging fair sa lahat, ‘di ba?”

Hindi naman itinanggi ng Heaven’s Best Entertainment producer na mahirap sundan ang Rainbow’s Sunset dahil nga ang ganda ng script, pagkaka-direk at buong cast, puro mahuhusay.

“Sana merong project na mas maganda or kasing ganda, kasi ang hirap, sundan. Saka hindi mo masabi talaga kung ano ang gusto ng tao, mahirap timplahin ang audience,” sabi pa.

Inamin namang may mga pag-uusap na para sa next project ng Heaven’s Best Entertainment para sa MMFF 2019. Naging inspirasyon ang unang beses nilang makasali sa MMFF 2018.

Nabanggit din na sana maipalabas ang kabuuan ng pelikula ng walang putol dahil marami ang nawala.

Oo nga, sana magkaroon ng producer’s cut dahil doon naman ‘yung scenes na talagang na-tackle lahat ang characters, even ‘yung si tito Pip (Tirso Cruz lll) at si Zeki (anak) na ‘yung relationship nila bakit sila nagkaroon ng rift. Kasi sa movie hindi ipinakita na mayroon silang confrontation,” sabi ni Harlene.

Isa pang ikinaganda ng Rainbow’s Sunset ay ang pagiging matapang nitong maipakita sa manonood ang tungkol sa relasyon na pareho ang kasarian at may kissing scene pa.

Eh kasi naman film is suppose to show reality kung ano ‘yung nangyayari sa totoong buhay. Makaka-relate ka talaga.

Sobrang grateful ako sa lahat ng artista, lahat sila ang gagaling. Si Aiko, minesage ko nga siya, ‘perfect ka as Georgina, ang galing nga, she won Best Supporting Actress.’” Nakangiting pahayag ng producer.

Nakabawi na ba ang Rainbow’s Sunset? Malapit-lapit na, sana umabot hanggang January 7, kaya sana manood pa ‘yung ibang hindi pa nakakapanood,” saad ni Harlene.

Umaasa rin kaming ma-extend ang pelikula na ginagarantiyahan naming hindi sayang ang P300 na ibabayad dahil maganda talaga ang pelikula at inspirasyon ito para sa lahat.

Samantala, inamin din ni Harlene na naluha siya nang makatanggap ng mensahe kay Kris, “ay naku, sobrang thank you sa support talaga. Noong minesage nga niya ako, naiyak ako, ‘sabi ko, maraming salamat, naiiyak ako’ sabi niya, ‘’ oo naman.’ Kasi she was abroad that time, so talagang naiyak ako, she’s always been nice to me.”

Ano naman ang masasabi ni Harlene sa sinabi ni Kris na, ‘naudlot na sister-in-law, oo nga, naudlot, eh, ganoon talaga, ayaw ko ng magsalita, ha, ha, ha.”

Sa tingin ba ni Harlene ay may pag-asa pang ma-push ang kuya niyang si Quezon City Mayor Herbert Bautista at Kris?

Bakit ako ang tinatanong n’yo? (sabay tawa). Oo naman, ‘no habang may buhay, may pag-asa ha, ha, ha. ‘Yun ‘yung ano one great love.”

Masaya si Harlene dahil kahit hindi sila nagkikita at nagkakausap madalas ni Kris ay napanatili nila ang maganda nilang pagkakaibigan.

Oo naman, siyempre. Sabi ko nga, what you see is what you get, napakatotoo niyang tao, hindi siya plastic, hindi siya showbiz, kung ano ang nakikita mo, ‘yun na siya.

Kaya I’m honored and happy na mayroon kaming ganoon klaseng relationship kahit hindi kami palaging nagkikita, nagsusuportahan kami. Kaya sobrang thank you, Kris sa suporta mo,” masayang pahayag ni Harlene.

Hindi nakarating si Kris sa block screening dahil napagod na sa biglaang patawag na presscon kasama ang mga abogado niyang sina Attorney Philip Sigrid A. Fortun, Attorney Nilo T. Divina at legal team sa Divina Law Office para sagutin ang mga paratang ng dating managing director at financial adviser ng Kris Cojuangco Aquino Productions na si Nicko Falcis ll na lumabas sa social media at online website.

ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Kim Ji-Soo Mujigae Seoul Mates Mimi Juareza

Kim Ji Soo nakagawa na ng pelikula sa ‘Pinas 10 yrs ago

RATED Rni Rommel Gonzales MALAMANG ay marami ang magugulat kapag nalamang ten years ago pa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB nakapag-rebyu 200K pelikula, palabas sa TV, at iba pang materyal sa loob ng 9 na buwan

AABOT sa 200,000 pelikula, palabas sa telebisyon at iba pang pampublikong materyal ang narebyu ng Movie …

Bong Revilla Jr Lani Mercado Inah Revilla

Bong naghain na ng COC, sinamahan ng anak na abogada

TIYAK na ang muling pagkandidato ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr. para sa 2025 midterm elections matapos …

Ataska Mercado

Ataska proud sa sarili—I’ve been working really hard since I was five

RATED Rni Rommel Gonzales ITINUTURING ngayong Vivamax Princess, nagsimula bilang child actress si Ataska. Kung makakausap …

Julia Montes

Julia’s cryptic post pahulaan sa netizens

MA at PAni Rommel Placente MAY pa-blind-item si Julia Montes sa latest Instagram story niya tungkol sa isang tao na dati …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *