Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Apo ni Tito Sen, gustong mag-ala Robin Padilla; wish makapareha si Catriona Gray

FIRST time aarte at mabigyan ng malaking role ang apo ni Senador Tito Sotto, si Mino, anak ng panganay ng senador na si Apple sa Boy Tokwa, Lodi ng Gapo pero enjoy siya dahil talagang gusto niyang maging artista.

Ani Mino, “Gusto ko talagang mag-artista. It took time rin eh (para pasukin ang pag-aartista), nag-workshop muna ako. Pinaghandaan kong mabuti at nagkaroon ako ng movie, my Tatay’s (Tito Sen) movie and nagustuhan ko maybe this is the right time rin.”

At dahil magagaling sa komedya ang kanyang Tatay Tito at Tatay Vic (Sotto), medyo alangan naman siyang magsabi na magaling din siya rito. “Somehow, yeah ha ha ha. Siguro, any role naman. Actually comedy gusto ko talaga,” paliwanag ng poging bagets na aminadong malaki ang influence ng kanyang mga Lolo sa pagkahilig niya sa showbiz.

“Talagang malaki ang influence nila sa akin,” giit nito at sinabing handa siya sakaling ikompara kina Tito Sen at Vic ang pag-arte niya. “Iba sila and nag-start pa lang ako. Pero alam ko ang gagawin ko.”

Gagampanan ni Mino ang apo ni Boy Tokwa, na gagampanan ni Jose Manalo.

Suportado si Mino ng kanyang pagpasok sa showbiz ng mga magulang at Lolo at Lola niya.

Kuwento ni Mino, akala’y nagbibiro siya nang sabihin niyang gusto niyang mag-artista. “Talagang gusto ko siya, I was passionate about it. Parang nagulat sila, pero sabi nila sige, sige at in-enroll agad nila ako sa isang workshop.”

At bagamat nag-aaral siya, kaya naman niyang ibalanse iyon.

Aminado rin si Mino na malaki ang bentahe ng pagkakaroon ng katulad ng kanyang mga lolo at lola sa showbiz. “There’s the connection kasi,m there’s there name na pero siyempre gusto kong i-build up ang sarili kong name as Mino Sotto.

“Malaking tulong ang pagiging Sotto, because without them, hindi ako magkakaroon ng ganitong movie, hindi ako makakapasok sa ganito, so I’m happy na ang lolo ko ang nakatulong sa akin, ang family ko talaga.”

Nang tanungin kung anong genre ang gusto, sagot ng bagets, “Any genre. Pero gusto ko drama. Siyempre enjoy din ako sa comedy kasi hindi ako nahirapan dahil siguro ‘yun ang natural ko.

At dahil nasa politika rin ang kanilang pamilya, hindi naman siya sure kung papasukin niya rin ito. “I don’t know. For now that’s not what I’m thinking eh. Artista talaga ang gusto ko. Siguro tatapusin ko muna rin ang pag-aaral ko then papasok ako sa film school.”

Pangarap naman ni Mino na makapag-action siya. “Parang nakikita ko sa Hollywood like Tom Cruise, Rambo Sylvester Stallone, kung paano sila mag-move. ‘Yan ang gusto ko.

“Sa local naman, si Robin Padilla and Coco Martin somehow. Pero si Robin talaga ang gusto ko.”

Si Catriona Gray naman ang wish niyang makapareha sa isang pelikula.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …