Saturday , December 21 2024

Panelo binatikos sa pagkontra sa petisyon vs Martial Law

BINATIKOS kahapon ni Akbayan Rep. Tom Villarin ang taga­pagsa­lita ni Pangulong Duterte dahil sa pagkontra sa petisyon laban sa Martial Law.

Ayon kay Villarin ang pagkontra sa peti­syon ay nagpapakita ng pagkaarogante ng Mala­cañang at pagbaba­le­wala sa mga kinaka­ilangang basehan sa pagdedeklara ng martial law.

“Spokesperson Salvador Panelo misses the point why we need to question another extension of martial law. Our 1987 Constitution, in spirit and in plain words, wanted it to be restrictive in duration and demands factual basis not con­jectures made up to justify its imposition. Martial law is a very extraordinary measure and can only be imposed with The strictest of conditions,” paliwanag ni Villarin na isa sa mga nagkuwestiyon ng deklarasyon sa Korte Suprema.

Kasama ni Villarin si Albay Rep. Edcel Lagman sa mga dumulog sa Korte laban sa Martial Law na pinalawig na naman nang isang taon sa ikatlong pagkakataon.

Giit ni Villarin, dapat magpaliwanag ang militar kung sino ang mga rebelde at kung anong asunto ang isinampa laban sa kanila.

“It’s common sense to inquire and verify with the military who are the rebels and if charges have been filed against them. Numbers matter to constitute facts and intelligent determination of how to address the problem. From what we see, it’s Malacañang who exhibits such intellectual depravity,” ayon kay Villarin.

Nauna nang sinabi ni Lagman na dito lamang sa Filipinas may rebel­yon na wala kahit isang rebelde.

Binanggit ni Lagman ang report ng Office of the Deputy Chief of Staff for Intelligence na noong pangalawang extension ng Martial Law, wala ni isang rebeldeng nahuli ng mga awtoridad.

Ang report na pinir­mahan ni Maj. Gen. Fernando Trinidad ng Office of the Deputy Chief of Staff for Intel­ligence ang nagsabi na apat lamang ang hinuli ngunit walang kasong rebelyon ang inihain laban sa kanila.

ni Gerry Baldo

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *