LIMA katao ang nasugatan habang 200 pamilya ang nawalan na tahanan sa naganap na sunog sa Quezon City kamakalawa ng gabi.
Ayon kay S/Supt. Jaime Ramirez, Quezon City fire marshal, dakong 11:30 pm nang sumiklab ang sunog sa Mauban at Dagot streets, Barangay Manresa, Quezon City.
Ayon sa report, sa ikalawang palapag na bahay ng isang Paquito Dahotoy nagsimula ang sunog at mabilis na kumalat sa mga kalapit na bahay dahil dikit-dikit at pawang gawa sa kahoy at iba pang light material.
Umakyat sa ikalimang alarma ang sunog at nagtagal nang apat na oras. Dakong 3:30 am kinabukasan nang maapula ng mga bombero ang sunog.
Inaalam pa ang dahilan ng sunog.
Sinabi ni Ramirez, isang fire volunteer at apat na residente na hindi pa tukoy ang mga pangalan nasugatan.
Pansamantalang kinakalinga sa covered at multi-purpose hall ng Brgy. Manresa ang mga residenteng nawalan ng tahanan.
(ALMAR DANGUILAN)