Sunday , December 22 2024

Sa Sorsogon… P.5-B flood control project swak sa balae ni Diokno

NAGA CITY – Isiniwalat ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr., ang ‘modus’ ng maliliit na construc­tion company para makakuha ng malaking kontrata sa gobyerno sa paggamit ng mga triple A na kom­panya sa bidding.

Ayon kay Andaya, chairman rin ng House Committee on Rules, ang Aremar Construction na pag-aari ng balae ni Budget Secretary Benja­min Diokno ang tiba-tiba sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ani Andaya, ginaga­mit ng Aremar ang C.T. Leoncio Construction and Trading para sa kanilang mga proyekto.

Sa pagdinig kahapon dito, sinabi ni Andaya na kuwestiyonable ang mga gawain ni Diokno sa paglalagay ng pondo sa mga distrito ng mga kon­g­re­sista habang pinag­dudahan ang mga bid­ding documents ng C.T. Leoncio.

Aniya, ang C.T. Leoncio ay may iisang backhoe mula May 2018 sa paggawa nang halos 40 proyekto sa iba’t ibang panig ng bansa.

“Moro-moro lang daw ang nangyayari sa bid­ding. Ang trabaho tala­ga ng triple A con­trac­tors, makuha ang kontrata at ipahiram ang lisensiya sa totoong gaga­wa ng projects. Sa ating kaso ngayon, lumalabas na dummy lamang ang C.T. Leoncio. Ang totoong may-ari ng proyekto: ang Aremar Construction,” ani Andaya.

Sinabi ni Consolacion Leoncio, may-ari ng C.T. Leoncio Construction and Trading, sa pagdinig na hindi niya personal na kilala ang balae ni Diokno.

Aniya nakilala niya ang may-ari ng Aremar sa pamamagitan ng kanyan liaison officer na si Francisco Clemente na siyang nag-aayos ng mga papeles para sa bidding sa mga proyekto.

Ayon kay Andaya, ipapatawag ng komite sina Clemente, ang mga taga-Commission on Audit, at mga taga-Anti-Money Laundering Coun­cil patungkol sa October 4, 2018 LandBank depo­sit slip na nagkakahalaga ng P11.416 milyon na inideposito sa Aremar Construction ng isang construction firm.

“I will share with you this piece of evidence. Deposit slip sa Land­Bank. From a contractor who won the bidding for a project in Bicol. After release of funds from DBM, the winning con­trac­tor deposited the money to the real con­tractor of the project: Aremar Construction. Look closely at the deposit slip: a total of P11,416,374 found its way to the bank account of Aremar on October 4, 2018,” ani Andaya.

“Almost one-third of C.T. Leoncio total projects in Sorsogon and Catan­duanes — P550,799,888.83 out of the P1,575,485,­699.26 — found their way to Aremar Construction,” paliwanag ni Andaya.

Ayon sa mga datos ng DPWH, ang Sorsogon ay pangalawa lamang kung ang budget allocation sa infrastructures sa 2018 ang pag-uusapan.

Taliwas sa mga haka-haka sa kongreso maliit lamang ang pondo ng Sorsogon para sa im­praes­truktura mula sa DPWH sa Bicol region.

Ang Albay ang may pinakamalaking pondo na umabot sa P11.2 bilyon. Pangalawa la­mang ang Sorsogon na may P10.5 bilyon, kasu­nod ang  Cama­rines Sur na may P10.2 bilyon, Masbate P4.5 bilyon, Camarines Norte P3.3 bilyon, at Catan­duanes na may P2.5 bilyon.

ni Gerry Baldo

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *