Sunday , November 17 2024

Bea, may kidney failure

NAKATUTUWA naman si Bea Rose Santiago, ang Pinay na Miss International 2013. Siya na nga ang nanganganib ang buhay, siya pa itong nag-aalala at nagbabahala sa madla.

May malubhang sakit sa kidney si Bea. “Kidney failure” ang tawag sa Ingles sa kondisyon n’ya. Siya mismo ang gumamit ng mga salitang “kinda have a kidney failure” sa paglalarawan sa malubha n’yang karamdaman.

Gaano ba kalubha?

Nabubuhay lang siya ngayon sa pagpapa-dialysis. Mas bubuti ang kalagayan n’ya kung may mahahanap ang pamilya n’ya na kidney donor. O baka nga isa sa miyembro ng pamilya n’ya ang maging donor. O isang kamag-anak.

Nasa Canada si Bea ngayon. Ayon sa mga Instagram post n’ya nitong mga nakaraang araw, tatlo’t kalahating buwan siyang pabalik-balik apat na beses sa isang linggo sa Toronto General Hospital sa Canada. Alas singko ng umaga siya nagigising sa bawat araw na magpapa-dialysis siya dahil dalawang oras ang biyahe mula sa bahay ng pamilya n’ya papuntang ospital. Limang oras ang tagal ng bawat dialysis session n’ya. Kapag natapos na siyang magpa-dialysis, bumabalik siya sa bahay nila.

Pero sa latest post n’ya, may sarili na siyang dialysis machine sa bahay nila. ‘Di n’ya nabanggit kung bumili siya ng sarili n’ya o may nahanap siyang mari-rentahan ng machine na may kasamang technician at nurse.

Isa sa main functions ng kidney ay linisin ang dugo natin at ipadala ang impurities sa excretory system sa ating katawan.

Pagtatapat n’ya sa isa sa mga post n’ya: “I was diagnosed months ago. I was in denial and that’s why I left the Philippines to get a second opinion in Tokyo and [then] it turned out to be a confirmation.

“I will be needing a life-saving transplant. I live because of a machine, my dialysis machine and the doctors and nurses at Home Hemo Dialysis centre in Toronto General.”

Ineengganyo n’ya ang mga tao “who feel weird and off” na magpa-check-up dahil baka matulad sila sa kanya.

“I am not asking for sympathy, I am asking for awareness… I suffered no symptoms… So please please when you feel weird and off, go get yourself checked,” paalala n’ya sa madla

Hindi pa n’ya igini-give up ang buhay n’ya. Proklama n’ya: “This does not mean I’m done. I’m unstoppable and will be healed!

“God loves me and he keeps showering me with love and blessings from friends and family! I am lucky and I am loved.”

Sa isang post n’ya, ipinagtapat n’yang kahit na noong bata pa siya, may mga karamdaman na siyang may kinalaman sa malfunctioning ng kidneys n’ya.

May isang spiritual belief system na nagtuturo na ang bawat dis-ease (opo, ganyan nila baybayin ang Ingles ng “sakit”) ay may “mental equivalent”—pero wala itong kinalaman sa mental health ng Western medicine. Bale “di-mapalagay” o “out of harmony” ang itinuturing nilang sanhi ng mga sakit o karamdaman.

Ang “mental equivalent” ay may kinalaman sa attitudes (mga saloobin) natin sa mga nangyari, kasalukuyang nangyayari, o iniisip natin na magaganap sa ating buhay. May mga saloobin tayong ‘di natin ipinahahayag sa ibang tao o ang kabaliktaran ng saloobin natin ang ipinapahayag natin sa madla. Pero ipagtapat man natin o hindi ang mga saloobin natin, nararamdaman ‘yon ng ating katawan. At ang pagramdam na ‘yon ang tinatawag na sakit o dis-ease.

Ang practitioners ng practical Christianity, Science of Mind,  Religious Science, o New Thought ang nagtuturo ng mental equivalents. May mga ganoong grupo sa Canada na nagtuturo niyon.

Sa Pilipinas, mga dalawa at tatlong grupo lang ang nagtuturo ng New Thought at ang isa roon ay ang I Am-ist ni George Sison na may programa sa DWIZ-AM tuwing Sabado, 9:00-10:00 p.m.. Si George ay dating movie and record producer,  TV host, at composer.

Sana ay mag-aral ng New Thought si Bea dahil malamang na makatulong ‘yon sa mabilis n’yang paggaling. Hindi po siya sasabihang itigil ang pagpapa-dialysis n’ya o huwag siyang magpa-kidney transplant. Naniniwala sa science of Medicine ang New Thought. 

Opo, naniniwala kaming gagaling si Bea.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Robin Padilla WPS

Robin gagawa rin ng pelikula ukol sa West Phil Sea

IKINAGALAK ni Dr Michael Raymond  Aragon, Executive Producer ng WPS (TV/ Radio series na ipinalalabas ngayon sa DZRH TV at DZRH radio) at …

Ken Chan Café Claus

Ken Chan iginiit: Hindi po ako nanloko

ni JOHN FONTANILLA BINASAG ni Ken Chan ang pananahimik matapos mabigong pagsilbihan ng mga awtoridad ng warrant …

Yasmien Kurdi Rita Daniela Archie Alemania Baron Geisler

Yasmien aminadong may trauma pa rin kay Baron, pinayuhan si Rita

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Yasmien Kurdi sa radio program ni Gorgy Rula, natanong siya …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana

KathDen fans umalma, vloggers na nagpakalat ng HLA video clips tinalakan

MA at PAni Rommel Placente MAY ilang vloggers na nagpapakalat ng video clips na kuha …

Rhian Ramos Rita Avila

Rita Avila saludo sa kabaitan at marespeto ni Rhian Ramos

MATABILni John Fontanilla PURING-PURI ng beteranang aktres na si Rita Avila ang kabaitan at pagiging marespeto ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *