Sunday , December 22 2024
prison

860 inmates isinakripisyo ng PAO — Drilon

DAPAT sana ay nakalaya nitong nakaraang Pasko ang 860 preso alinsunod sa Republic Act 10951.

Pero mukhang hindi nagtrabaho nang tama ang Public Attorneys’ Office (PAO), ayon kay Senator Franklin Drilon

Aniya, “There are 860 inmates who could have been released but are still languishing in jail because of the bureaucracy that is responding slowly. Ano ba naman ‘yan?”

Sinabi ‘yan ni Senator Drilon sa interpel­lation para sa budget ng Department of Justice at iba pang attached agencies na kinabibilangan nga ng PAO.

Emosyonal na sinabi ng Senador na wala silang konsiyensiya dahil hanggang ngayon ay hinayaan nilang manatili sa kulungan ang 860 preso.

Binalaan ng Sena­dor ang PAO na rere­pa­sohin ang kanilang performance lalo na sa impkementasyon ng  RA 10951.

Mayroong 39 petitions ang inihain ng PAO sa Supreme Court, habang 12 ang inihain sa regional trial courts.

Mismong si Sena­tor Drilon ang umak­da ng RA 10951, na may layuning matu­lungan ang mahihirap na inmates na walang kakayahan ang mga kaanak na marepaso ang kanilang mga kaso para mabilis na makalaya.

Mukhang naging abala ang PAO sa iba nilang concern, sana lang ay hindi ito dahil sa pagpasok nila sa ‘mapolitikang’ deng­vaxia.

Hindi ba, Senator Drilon?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *