HINDI nakaligtas ang isa sa bida ng The Girl in Orange Dress na si Jericho Rosales sa mga namba-bash.
Anang actor, ”I’ll be honest with you, nakaka-grrr… magagalit ka. Pero the only way to deal with it is you have to sound like a responsible person.
“Pero with love talaga, eh. Kailangan mo lang mag-dive and understand na, ‘Bakit kaya ganito ang mga ito?’
“Wala, sinasabi ko na lang na, ‘Let love, let God’, bahala na sila. I would say something… alam niyo naman ako, fighter ako.”
Iniintindi na lang ni Jericho ang kanyang bashers at hindi na lang pinapatulan. Mas nagpo-focus na lang ito sa kanyang trabaho at mas piniling maging positibo sa kanyang buhay.
MATABIL
ni John Fontanilla