AGAD nalagutan ng hininga ang isang lalaki makaraan pagbabarilin habang naglalaro ng video game sa Brgy. 20, Zone 2, Isla Puting Bato, sa Pier 2 sa Maynila.
Ayon sa ulat, humandusay sa harap ng computer ang katawan ni Radem Edem, residente ng lugar.
Sa kuwento ng mga kapitbahay, naglalaro ng video game si Edem nang may lumapit na lalaki at siya ay pinagbabaril hanggang sa mamatay.
Hindi pa alam ang motibo sa krimen, ngunit ayon sa barangay kagawad na si Fressie Amistoso, dati umanong dawit sa kaso ng pagnanakaw at paggamit ng droga ang biktima.