Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
BAKAS ni Kokoy Alano
BAKAS ni Kokoy Alano

Laglagan blues dahil sa singit-budget, lumalala!

BINULABOG ni Sen. Ping Lacson ang kongreso dahil sa bilyones na  singit budget  para sa taong 2019 na ikinamada sa kongreso. May paliwanag at kontra paratang agad naman dito  si  Majority Floor Leader Rolando Andaya Jr., na hindi ang tandem  nila ni Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang tanging salarin sa mga bilyones na halaga ng mga proyekto na umano’y naisingit, dahil maging sina former Majority Floor Leader Cong. Rudy Fariñas at formrt speaker Pantaleon Alvarez ay nagkamal din daw umano nang bilyones na pondo para sa kanilang distrito noon na ang karamihan ay nakapaloob sa DPWH projects.

Aba! E, meron nga pala?

Idiniin din ni Andaya na may alam din  si Budget Secretary Benjamin Diokno sa nasabing singit budget na mariin naman niyang pinabulaanan. Ayan na, naglalaglagan na sila. Aray ko! hahaha

 

SARO, convertible into cash?

Ang nakapaglalaway na Special Allotment Release Order (SARO) ay isang matibay na garantiya na mababayaran  ang mga kontratista ang mga proyekto ng gobyerno na nagmumula  sa Department of Budget ayon sa nakapaloob sa legislative appropriations na ikinamada naman sa kongreso, kaya posibleng may alam nga rito si Budget Sec. Benjamin Diokno. Ganu’n?

Madaling maka-bale sa mga kontratista kung kailangan ang ayuda para sa isang programa lalo na kung may kinalaman sa politika ng mga kongresistang may malalaking isyu na ilalatag tulad ng kampanya sa plebesito para sa federalismo sa kanilang distrito, lalo na kung ang mga kontratista ay nasa loob mismo ng buru­krasya!

Kailangan nito ang malaking pondo para mapaniwala nila ang tao na papabor sa bansa ang unliterm ng isang congressman. Hu­wag naman sanang nakabale na ang mga kongresista sa kontra­tistang  nasa loob ng buloklasya hehe!

 

Gagamitin sa federal government campaign?

Umaskad kasi ang mukha ng mamamayan nang malaman na ang nilalaman ng bagong Sali­gang Batas na handang ilatag para sa isang pam­bansang plebesito.

Sa  nasabing porma ng gobyerno kasi ayon sa bagong Sali­gang Batas, wala nang limitasyon ang termino ng isang kongresista hang­gang gusto nitong tumakbo at manungkulan bi­lang congress­man.

Samantala ang Presidente at Bise Presidente ay mag­kakaroon ng  tig-apat na taong pa­nu­­nungkulan na maaaring tumakbo pang muli para sa ikalawang termino na bubuo ng walong taong pamumuno. Ito na marahil ang kinatatakutang po­sibilidad nang pagkakaroon ng mas makamandag na political dynasty sa bansa kapag nagkataon!

Papasa kaya ito sa panlasa ni Juan dela Cruz? Abangan!

BAKAS
ni Kokoy Alano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Kokoy Alano

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …