Saturday , November 2 2024

Ang binuraot na x’mas party ng MIAA

IMBES masilayan ang diwa ng kapaskuhan at maramdaman ang kasiyahan ng mga empleyado ng Manila International Airport Authority ( MIAA ) ay naging kabaligtaran ito sa kanilang inaakalang masayang X’mas party dahil sa pagdurusa, pagkadesmaya at pagod lamang ang sumalubong sa kanila habang idinaraos ang maagang party sa isang lugar sa PICC Complex, lungsod ng Pasay.

Ang naturang X’mas party na maagang sinalubong ng mga organic MIAA employees, Airport policemen, LBP agency employees at job order personnel noong November 29, 2018 ay hindi umano ikinatuwa ng mas nakararaming empleyado na dumalo dahil para silang pinakain ng ‘tipid meals’ gayong malaki naman ang kinikita ng Ninoy Aquino International  Airport (NAIA).

Bukod daw sa inihandang isang lechon baka ng pamunuan ng MIAA sa ilalim ng liderato ni GM Ed Monreal ay bumaha naman daw ng spaghetti at iba pang ‘tipid meals’ sa nasabing party para sa empleyado. Habang ang iba sa kanila partikular ang mga naka-duty sa oras ng 2-10 pm ay wala na raw inabutang pagkain.

Nganga!

“Binusog na lang namin sa tubig ang kumakalam naming tiyan at painom-inom ng kape para mainitan ang aming sikmura,” desmayadong pahayag mga taga-MIAA Operations.

Komento ng isang beteranong empleyado ng MIAA, tanging ang nasiyahan lang daw sa X’mas Party ay mga alipores ni Monreal na si Wilky, alias Boy Cha-cha, Dantete, Dani at iba pang Monreal lady ‘sepsep’ officials?!

Dumalo sa nasabing X’mas party si DOTr Secretary Art Tugade na halos mabulol na raw sa pagsasalita dahil sa kalasingan.

Mas lalo pang nairita ang mga empleyado nang bigyan sila ng tig-iisang libong gift check bilang pakonsuwelo de bobo sa kanila na idinaan pa sa raffle. Puwede namang ibinigay na lamang sa kanila para hindi na sila napuyat at nabuwisit sa kahihintay.

Juice colored!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Cayetano, Belmonte, Fresnedi sure win na (Kung halalan ngayon)

Cayetano, Belmonte, Fresnedi sure win na (Kung halalan ngayon)

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *