Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
BAKAS ni Kokoy Alano
BAKAS ni Kokoy Alano

Pork barrel na-re-allign lang, pero may ‘kurot’ pa rin?

HINDI raw pork barrel na matatawag ang mga pondong mahahawakan ng mga congressmen at senadores dahil ito raw ay nakatuon antimano sa mga proyekto na ipinangako nila sa kanilang constituents ayon sa ilang kongresista.

Kung gano’n e, ano naman ang makabagong tawag dito?

Dati nang tinawag itong Priority Development Assistance Fund o PDAF na mistulang panuhol sa mga mambabatas upang sang-ayunan ang mga pangunahing agenda ng administrasyon.

Ito rin umano ang ginamit upang mapadali ang pagpapasibak kay dating Chief Justice Renato Corona. Samakatuwid, naging demonic priority funding  ito para sa pansariling agenda ng nakaraang  administrasyon, kaya mismong ang Supreme Court ay kumontra rito.

Nakulong na sina Jinggoy Estrada, Bong Revilla at Johnny Enrile dahil dito ‘di ba?

Re-allignment lang,
hindi scrapping!

Plantsado na ng grupo ni Speaker GMA at Rep. Rolando Andaya Jr.,  ang P52B pork barrel ng mga kongresista na hinati sa 40 congressional district at naisingit sa P3.757 trillion 2019 national budget. Ito ay naka-insert umano sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways.

Nabisto lang daw ito ng ilang kongresista, kaya nabulilyaso ang plano at nagkaroon ng re-allignment ang pondo patungo sa mga proyekto ng Department of Education, Department of Agriculture, Department of Health at National Disaster and Risk Management.

Mahihirapan silang maghanap ng kontratista ngayon na magbibigay ng SOP kaya kurot-kurot  na lang muna! Hahaha

Mambabatas sila
at hindi mambabakal!

Hindi naman talaga sila ang dapat na nagangasiwa ng biddings at nakikipag-usap sa mga contractors, dangan nga lamang at naka­sanayan na ito upang makapangalap ng pondo para sa eleksiyon.

Marami talagang contractors ang bumabakas sa mga nakalalamang na sa laban na mga kandidato sa pagka-congressman, at sila ngayon ang tumatayong consultants at sulsoltants para sa infrastucture projects ng kanilang distrito.

Ngayon, malamang na mabawasan o  mabokya muna ang mga kapitalistang kontratista na mga  hayok…

Aray ko! Hahaha!

 

BAKAS
ni Kokoy Alano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Kokoy Alano

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …