Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

OFW naipit ng 2 bus todas (Sa Makati City)

PATAY ang isang overseas Filipino worker (OFW) makaraan magitgit at maipit ng dalawang pampasaherong bus sa loading and unloading area sa Makati City, nitong Sabado ng gabi.

Nalagutan ng hininga sa Ospital ng Makati ang biktimang si Luis Ora­cion, nasa hustong gu­lang, isang OFW, resi­dente sa Sitio Militar Project 8, Quezon City, sanhi ng matinding pinsala sa katawan.

Nasa kustodiya ng Makati City Police ang driver ng Public Utility Bus (PUB) na may plakang TYS 274, na si Marlon Solos Brioso, 46, nakatira sa Sangandaan, Caloocan City, at ang driver ng PUB na may plakang TYM 158, na si Dominador Tobias Garcia, 68, residente sa Ampid 1, San Mateo, Rizal.

Sa inisyal na ulat ng Southern Police District (SPD), dakong 5:00 pm nang mangyari ang insi­dente sa EDSA north­bound lane malapit sa Guadalupe bus loading at unloading bay area, sa Brgy. Guadalupe Nuevo sa Makati City.

Papasakay umano si Oracion sa bus na minamaneho ni Garcia sa lugar hanggang maipit sa biglang pagdating ng bus na minamaneho ni Brioso.

Isinugod sa paga­mutan ang biktima ngunit binawian ng buhay kala­unan.

Agad nahuli ng mga awtoridad ang dalawang driver na nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso sa Makati Pro­secutor’s Office.

ni JAJA GARCIA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …