Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bong at Jinggoy, pasok sa isinagawang survey ng DZRH

SA isinagawang poll survey ng DZRH sa hanay ng mga tumtakbong senador sa darating na halalan ay magkasunod ang ranggo nina dating Senators Bong Revilla at Jinggoy Estrada.

Respectively, pang-anim at pampito ang sanggang-dikit na magkaibigang ito na kapwa nakulong sa PNP Custodial Center. Nahaharap sila sa kasong plunder kaugnay ng pork barrel sa ilalim noon ng PNoy administration.

Sa ngayon, si Bong ang nananatiling nakapiit habang umaapela ang ilang quarters na rebyuhin ang kaso ni Jinggoy na hindi dapat pinalaya.

Kapwa sila nag-file ng kanilang COC nitong Oktubre, at sa ayaw man o gusto ng marami’y nais nilang muling maluklok sa pambansang puwesto.

Malinaw ang katotohanang nakapaloob sa medyo magandang ranking nila sa DZRH survey. Not bad, ‘ika nga, considering na sa mata ng bayan ay mayroon sila umanong dapat panagutan.

Clearly, tayo talagang mga Pinoy ay mayroong maigsing memorya lalo na sa ating kasaysayan.

Ang kapwa senatoriable nina Bong at Jinggoy na si Ilocos Norte Governor Imee Marcos ay laglag sa survey placing 13th. Not bad na rin dahil may tendency pa siyang umalagwa.

Madali ngang makalimot ang mapagpatawad na Pinoy. Lahat kasi silang tatlo—Bong, Jinggoy, at Imee—ay may kanya-kanyang kuwento para pagbayaran ang mga umano’y kasalanan nila sa taumbayan.

Haist.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Starstruck alumna, limitado ang range ng acting

Starstruck alumna, limitado ang range ng acting

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …