Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Enzo Pineda Beauty Gonzalez Baby Go Polo Ravales
Enzo Pineda Beauty Gonzalez Baby Go Polo Ravales

Pangarap na horror movie ng BG Prod, maisasakatuparan na

MATUTUPAD na rin ang pangarap ni Ms. Baby Go ng BG Productions International na gumawa ng horror film, ang Hipnotismo na pinagbibidahan nina Beauty Gonzales at Enzo Pineda na ididirehe  ni Joey Romero.

Kasama rin sa pelikulang ito si Polo Ravales na gaganap bilang kontrabida.

Ayon kay Polo nang makausap namin sa story conference, natutuwa siya na muling gagawa ng pelikula mula sa nasabing movie outfit.

“I’m so thankful na nakasama ako sa project and ito ‘yung second movie ko under BG Productions. The first was ‘Balatkayo’ with Aiko Melendez, so kami ‘yung magka-partner noon and we shot it in Dubai. So ito ‘yung second film ko sa kanila and I’m so happy and thankful na isinama ako for this project,” sabi ni Polo.

Patuloy niya, “Well, I’m so happy na gumagawa ako ng roles na tulad ng ganito. Siyempre ‘di naman forever na alam mo ‘yun, parati kang lead or parati kang good boy sa isang show. So, siyempre when you mature and grow old, nag-iiba ‘yung roles na ibinibigay sa ‘yo. And I’m very happy and thankful na dumating ako sa point ng career ko na you know, I get to do character roles lalo na ‘yung mga ganito, villains.”

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …