ISA pang undersecretary ang sisibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte, pagbalik niya sa Maynila.
Sa kaniyang talumpati sa Davao City bulk water supply project construction sa Brgy. Gumalang sa Davao City kahapon, sinabi ng Pangulo na isang undersecretary ang tatanggalin niya sa puwesto pagbalik niya sa Maynila.
Galit na sinabi ng Pangulo na dapat mapagtanto ng mga opisyal ng gobyerno na ayaw niya ng korupsiyon.
Gayonman, hindi binanggit ng Pangulo kung saang ahensiya ng gobyerno kabilang ang Usec na kaniyang sisipain sa puwesto.
Matatandaan, nitong nakalipas na isang linggo, sinibak ng Pangulo ang secretary general ng HUDCC na si Falconi Millar dahil sa umano’y pagkakasangkot sa katiwalian.
(ROSE NOVENARIO)