Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Empress Schuck
Empress Schuck

Empress, nabago ang buhay nang mag-asawa at magkaanak

MASAYA ang buhay may asawa ni Empress Schuck at marami siyang na-realize sa pagiging mommy ng kanyang 3 year old daughter.

Kuwento ni Empress sa presscon ng Kahit Ayaw Mo Na na ginanap sa Botejyu, Robinsons Galleria,”Masayang-masaya.

“Marami, siyempre priorities. Ayon hindi mo na talaga uunahin ang sarili mo.

“Pero hindi siya in a bad way, parang nakakalimutan ko na ‘yung sarili ko, more on voluntarily siya. Mas gugustuhin mong kalimutan ang sarili mo.

“Mas gugustuhin mong unahin siya kasi ‘yun lang ang makakapag- paligaya sa ‘yo.

“Kasi ‘pag hindi mo siya inuna, malungkot ka.”

Anong klaseng mommy si Empress?

“Supportive, mas disciplinarian ako kaysa Daddy niya.

“Mas ako ‘yung nagdidisiplina. Mas ako ‘yung nagagalit at saka hindi ko siya ini- spoil.

“Pero kapag kailangan naman niya ng loving and care, talagang hundred thousand percent ibinibigay ko sa kanya.”

Ginagampanan ni Empress sa Kahit Ayaw Mo Na bilang si Joey na isang designer na nagpunta sa Samar kasama ang kanyang kasintahan na si Reggie (Daniel Matsu­naga) para sa pagsisi­mula ng kanyang sariling negosyo.

Ka­sama ni Empress sa Kahit Ayaw Mo Na sina Kristel Fulgar  at Andrea Brillantes na idinirehe ni Bona Fajardo, hatid ng Viva FilmsBlue Art ProductionsSpark SamarSaga Prefecture FilmCommission, at mapapanood sa mga sinehan sa Dec. 5 nationwide.

 

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …