Sunday , December 22 2024

Tama na magsara na kayo! (Iloilo consumers sa PECO)

UMAPELA ang City Council at ang mga residente ng Iloilo sa Panay Electric Company (PECO) na tang­gapin na ang katotohanan na hindi na ire-renew ng Kongreso ang ka­nilang prankisa.

Hayaan na nila ang maayos na paglilipat ng operasyon sa bagong distribution utility sa nga­lan na rin ng con­su­mers na matagal nang nagtitiis sa kanilang pal­pak na serbisyo.

“Enough is enough, Mr. PECO. The people have spoken. Congress has spoken. Kayo lang ang hindi nakikinig e. Ta­ma na, napagbigyan na­man na kayo nang halos isang siglo,” pahayag ni Iloilo City Council Joshua Alim.

Ayon kay Alim nga­yong araw ng Lunes, 26 Nobyembre ay nakatak­dang magbigay ng briefing ang More Power and Electric Company sa konseho para malaman ng lokal na pamahalaan ang mga gagawin nitong hakbang upang masiguro na hindi maaantala ang supply ng koryenye sa oras na magkaroon ng takeover sa operasyon.

Ani Alim, tiwala rin sila sa nauna nang pa­ngako ng More Power na pagagandahin ang ser­bisyo ng koryente na ma­tagal na nilang ikina­de­desmaya sa PECO bukod pa sa pabababain ang si­ngil sa koryente.

Ito ay matapos ma­kom­­pirma sa isinaga­wang pag-aaral na ang Iloilo City ang may pina­ka­mahal na singil sa koryente sa buong bansa.

Sinabi ng mga resi­dente, sa matagal na pa­nahon ay isinantabi la­mang ng PECO ang kanilang mga hinaing sa pag-aakalang walang katapusan ang kanilang prankisa.

Ngayong hindi na ito hawak ng PECO at nailipat na sa More Power ay umaasa silang malu­wag nang tatanggapin ng dating service provider ang katotohanan na tapos na ang kanilang pag­hahari.

“Ilonggos have given PECO all the chances in the past 95 years to improve its services, but it ignored consumer complaints. Despite constant criticisms aired on radio, despite many complaints about the bad quality of its service, and despite frequent power outages, PECO has done nothing to be a better service provider. The complaints appear to be all for naught. It has no heart for consumers, it has no concern for pro­viding good service,” mariing pahayag ni Alim.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 1,800 re­klamo mula sa consumers ang nakabinbin laban sa PECO kasama rito ang overbilling na isinampa ng residenteng sina Hazel Fernandez at Mildred Jaromahum na kapwa tumaas nang halos 1000% ang bill sa koryente.

Ganito rin ang kara­nasan ng radio station sa lalawigan na Aksyon Radyo Iloilo at Love Radio Iloilo na umabot sa P180,000 ang singil sa koryente mula sa dating P8,000 kahit 15 araw nakatigil ang kanilang operasyon noong 2017 nang masira ang kanilang transmitter.

Gaya sa ibang kaso ng overbilling, pinagbabayad din umano ang Love Radio sa koryenteng hindi naman nila nakonsumo sa pamamagitan ng instalment basis ngunit inalmahan ito at naghain ng reklamo.

Sa 18 Enero 2019, magtatapos ang prankisa ng PECO na ang renewal application ay nanatiling nakabinbin sa House Committee on Legislative Franchises.

Una nang sinabi ng negosyanteng si Enrique Razon na siyang nasa likod ng More Power na P2 bilyon ang kanilang ilalaang investments para mapabuti ang serbisyo ng supply ng koryente sa Iloilo.

Aniya, ang lumang mga pasilidad ang dahi­lan kung bakit nana­natiling mataas ang singil ng PECO at kanila itong gagawing makabago at moderno upang wala nang brownout at maging mababa ang singil sa koryente.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *