Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Raymund Erig Direk Kneil Harley
Raymund Erig Direk Kneil Harley

PEP Profiles, sasagupa sa malalaking production agencies

NAKAGUGULAT ang magarbong paglulunsad ng PEP Profiles Entertainment, na pag-aari nina Raymund Erig at Direk Kneil Harley kamakailan na isinagawa sa Xylo Bar, sa BGC.

Ang PEP Profiles Entertainment ay isang event at production agency na nagke-cater sa isang wide range ng clientele mula sa recording at live production.

Kasabay ng paglulunsad ang blessing at ribbon cutting ng kanilang bagong opisina sa Quezon City na mayroong state of the art facilities para sa kanilang Multi-Media Team, recording, at rehearsal studios, board rooms, at iba pa.

Naniniwala sina Erig At Harley na ang bagong opisina ang magtutulak sa production agency bilang agent of change na gagawa ng significant contribution kung paano ang isang production event ay magiging isang world class na magtatampok ng mga Filipino talent sa international scene.

Ibinahagi nina Erig at Harley na ang kanilang mga kliyente at proyekto ay kinabibilangan ng NFJPIA, Camella Vista Silang, Camella Belize, Camella Vista Land-Camella South Annual Awards Night, Camella Mega Manila Power Launch, Ms & Ms. Republic of the Philippines 2017, Mister GMa 2016, Ginoo at Binibining San Pedro Laguna 2018, Hyundai, Zuellig Pharma (National Sales Conference 2016-2018) Umbria Commercial Center, IBCOM, San Pedro College of Business Administration, University of Perpetual Help-GMA, at Le Heim Music & Arts.

May mga alaga na rin sila na hinahasa para maging isang magaling na artista, singer, at modelo.

Positibo kapwa ang mga may-ari ng PEP Profiles na matutulungan nila ang mga alaga nila para magkaroon ng puwang sa showbiz, recording, at modeling.

Baguhan man sa industriya, dala-dala kapwa nina Erig at Harley ang kanilang dunog at tyaga para mapagtagumpayan ang pinasok na negosyo.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Kathryn, umamin — I’m the happiest when I’m with DJ
Kathryn, umamin — I’m the happiest when I’m with DJ
Regine, binigyan ng diamond ring ni Sharon
Regine, binigyan ng diamond ring ni Sharon
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …