Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paolo Ballesteros, magaling mag-impersonate ng local and Hollywood singers

SINIMULAN ni Paolo Ballesteros ang panggagaya kay Regine Velasquez sa BakClash segment ng Eat Bulaga

na siya rin ang nagsisilbing host.

At marami ang napawa-wow sa husay ni Paolo bilang Ate Regie sa pagko-clone sa Asia’s Songbird at nagiging kamukha pa niya dahil sa galing sa make-up trans­for­mation.

Ngayon ay pa­­tok rin ang pang­ga­gaya ng TV host/actor sa mga Holly­wood artist gaya ni Britney Spears. Very entertaining ang BakClash ng Eat Bulaga na daily ang laban ng mga birite­rang bading at suwa­beng nag-ookrayan sa ka­nilang per­formances.

 

Dovie San Andres, todo-suporta sa first movie ni Ian Monteverde Kay Direk Michael Daya

Nakapaka-unselfish talaga at very supportive ni Dovie San Andres sa mga baguhan sa showbiz tulad ni Ian Monteverde.

Lalo ngayong may movie na si Ian na gagawin sa director-actor na si Direk Michael Daya  na “No Rules: The Underground Fighter Story.”

Bilang paghahanda sa unang proyekto ay nag-uumpisa nang mag-training ng martial arts si Ian sa international trainor na si Angelo Estano.

Actually kung nasa bansa lang si Dovie ay isasama dapat siya sa cast ni Direk Michael at bibigyan ng magandang role pero marami pa namang pagkakataon at malay natin ay magkatrabaho din ang dalawa.

Bilib din kasi si Dovie kay Direk Michael at gusto rin niyang maka-work sila. Ang wish pala ni Dovie kay Ian, sana magkaroon ng puwang sa showbiz lalo’t may talent naman daw at puwe­deng action star.

 

Young actor na si Christian Gio umatras sa kanilang reality show

Kaysa hindi siputin at mabitin ang kanilang tapings, minabuti na lang ni Christian Gio na mag-quit at magpaalam nang maayos sa producer nila sa Reality Show na “Ang Galing ng Pinoy” sa Net25.

Ayaw ni Christian na mabansagang unprofessional dahil ang turo sa kanya ng kanyang uncle manager na si Ronnie Cabreros ay dapat maging professional siya sa trabaho at matutong makisama sa mga co-star.

Hindi totoo ang kumakalat na balitang ‘yung nakagat siya ng baboy sa isa sa mga challenge na hinarap sa Ang Galing ng Pinoy ang rason kung bakit umalis si Christian sa show.

Nahirapan lang talaga siya na ipagpatuloy pa ang pahirap na pahirap na challenge na ipagagawa sa kanila. Saka may mga upcoming projects naman ang nasabing young actor at dalawang indie movies ang gagawin niya sa 2019.

May TV guestings rin siya sa ABS-CBN at GMA.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …