Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mall of Asia tambayan ng mga mandurukot

BABALA sa lahat ng mamimili, hindi lamang sa Divisoria at Baclaran maging sa iba’t ibang pangunahing mga Malls. Nagkalat ang mga miyembro ng mandurukot at Salisi Gang, maging sa dambuhalang malls. Gaya halimbawa ng Mall of Asia na paboritong tambayan ng mga aking binanggit na pawang mga salot ng lipunan.
***
Dahil nalalapit na ang araw ng kapaskuhan, dagsa ang mga mamimili na tumanggap ng mga bonus sa kanilang mga trabaho kaya paborito ngayong tambayan ng mga mandurukot at salisi gang ang second floor ng MOA.
Ayon sa isang biktima, nadukutan siya noong nakalipas na linggo at nadukot sa kanya ang halagang P60,000 na pansuweldo niya sa kanyang mga empleyado. Ang bikima ay agad humingi ng tulong sa mga security guards. Dinala ang biktima sa silid na lugar ng mga CCTV cam upang rebisahin at mapanood ang pandurukot sa biktima, ngunit ang masakit kailangan umanong maghintay pa ng apat na araw ang biktima para mapanood ang CCTV cam.
Grabee!
***
Hindi na nga nahuli ang mandurukot at lalong hindi mahuhuli dahil apat na araw pa bago mapanood ang CCTV cam kung sino ang mandurukot!
Wala palang seguridad ang mga biktima!
***
Ilan pa kayang mamimili sa MOA ang mabibiktima na walang magiging solusyon dahil sa palpak na sistema ng seguridad sa MOA!
Siguro dapat magpakalat ng mga sibilyang guwardiya sa paligid ng MOA partikular sa loob ng gusali na puntahan ng mga taong namimili. Lalo sa ikalawang palapag na marami nang nabiktima.
***
Dapat mga ‘igan, maging maingat sa pamimili. Ilagay ang inyong hand bag sa inyong harapan at maging matunog sa bawat katabi habang namimili dahil ang mga mandurukot, puntirya ang mga taong abala sa pagsusukat at pamimili lalo sa bahagi ng mga bargain sale!
Hindi nag -iisa, may mga kasama at pinagpapasa-pasahan ang nadukot nila!
***
Apat na araw pa bago mapanood o makita sa CCTV cam ang insidente? Hindi kaya kasabwat ang mga guwardiya ng MOA ng nasabing mga mandurukot?
***
Kung ganyan ang sistema ng security management sa MOA, ang solusyon mag-ingat na lang ang lahat para hindi na sumama pa ang inyong loob dahil sa kapalpakan ng mga guwardiya o baka naman sindikato na nila ‘yan?!
Ano sa palagay ninyo?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …