Saturday , November 16 2024

‘Blackmail’ ng PECO binanatan ng solon

BINANATAN ng isang mambabatas ang Panay Electric Company (PECO) sa ginagawang ‘pananakot’ sa mga consumer at paninisi sa Kamara at Se­na­do kung makararanas ng blackout sa Iloilo City dahil hindi ini-renew ang kanilang prankisa. 

Ayon kay Parañaque Rep Gus Tambunting, blackmail ang ginagawa ng PECO legal counsel na si Inocencio Ferrer lalo nang sabihin nitong ititigil ng distribution utility ang kanilang operasyon sa 18 Enero 2019 kung hindi makakukuha ng renewal ng congressional fran­chise.

Ani Tambunting, hindi kasalanan ng mga consumer at ng mga mambabatas kung hindi ma-renew ang prankisa ng PECO dahil ang renew­al ng congressional fran­chise ay ibinibigay sa karapat-dapat na kom­panya na may maaasa­hang serbisyo ang mga mamamayan.

“Congress has deci­ded to give the franchise to another company. A franchise is a privilege granted by Congress. We have testimonies of how PECO has been inefficient through the years,” pali­wanag ni Tambunting.

Una nang inirere­klamo ng mga consumer ang overcharging ng PECO, lumang mga pa­silidad gaya ng mga poste na mapanganib na sa kaligtasan ng publiko, mababang kalidad ng customer service at so­brang taas na singil.

Base sa isinagawang pag-aaral ng mga eks­perto, sa Iloilo City may pinakamahal na singil sa koryente hindi lamang sa Filipinas kundi sa buong mundo.

Inirereklamo rin ang PECO dahil sa hindi pag­babayad ng overtime pay sa kanilang mga kawani.

Hiniling ng isang Guadioso Arnejo Suman­di kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng kanyang 8888 Citizens complain na imbes­tigahan ang PECO dahil ang mga kawani ang bumibili ng gamit kapag may inire-repair dahil dalawang taon nang hindi bumibili ng materyales ang kompanya.

Hindi rin pinalampas na punahin ni Tambun­ting ang hindi pagdalo ng PECO officials sa Tech­nical Working Group (TWG) hearing na binuo ng Senate Committee on Public Services sa pamu­muno ni Sen. Grace Poe noong nakaraang buwan para talakayin ang transition process o maa­yos na paglilipat ng operasyon sa pagitan ng PECO at ang bagong utility firm na More Electric and Power Corp., na una nang binigyan ng legislative franchise ng Senado at Kamara.

Ani Tambunting, wa­lang opsiyon ang PECO kundi sundin kung ano ang itinatakda sa batas.

Hindi umano maaa­ring i-hostage ng PECO ang Kongreso at ang mga residente ng Iloilo dahil sa paniwala nilang sila lamang ang solong may hawak ng prankisa bilang distribution utility sa lalawigan.

“PECO knows what Congress can do if they refuse to comply,” pagba­banta ni Tambunting sa PECO officials.

Isa umano sa maaa­ring gawin ng Kongreso ay ipaaresto ang mga opi­s-yal kung tatangging lumahok sa TWG pro­ceedings.

“The power of Cong­ress to exercise its func­tions cannot be hostaged by their refusal to parti­cipate in the TWG. Govern­­ment also has the power of eminent domain. Article III, Sec. 9 of the Constitution says ‘Private property shall not be taken for public use without just com­pen­sation. Government can choose to exercise its power of eminent domain if they refuse to comply,’” pagtatapos ni Tam­bun­ting.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

2 dating kaalyadong politiko ni Mayor Vico Sotto bumaliktad

DESMAYADO na ang dalawang dating mga kaalyadong politiko ni Pasig City Mayor Vico Sotto at …

Bamboo Kawayan

Pamangkin hinamon ng duwelo , Tiyuhin patay sa palo ng kawayan

BINAWIAN ng buhay ang isang 55-anyos na lalaki matapos ilang ulit paluin sa ulo ng …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc. inilunsad

MATAGUMPAY ang grand launching ng Artist Lounge Talents MultiMedia Inc., na ginanap last November 10 sa Activity …

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *