Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
BAKAS ni Kokoy Alano
BAKAS ni Kokoy Alano

Politika salot sa ekonomiya ng bansa, promise!

KAHIT mangmang na nilalang ay mauunawaan na kapag sobra ang pera sa sirkulasyon at wala namang kaukulang produksiyon ay malamang na tumaas ang presyo ng mga bilihin at ‘yan ang problemang inflation na kinakaharap natin sa ngayon.

Tinatantiya ng mga ekonomista na lalo pang madaragdagan ang 6.4 inflation rate sa bansa sa sandaling magpakawala na ng pera ang mga politiko hanggang sumapit ang eleksiyon sa 2019.

E! ano nga ba naman ang kapalit ng bilyong piso na pakakawalan ng mga kandidato kundi boto lang at kalabit-penge ng mga lider nila. Ang masaklap, siguradong babawiin sa kaban ng bayan ng mga hinayupak na mananalo dahil sa laki ng ginastos, kaya bukol na naman ang aabutin nang lahi ni Juan. May inflation na, malamang na over inflated pa ang presyo ng mga programang ilalatag ng mga politikong imbestor na ang kabuoan ng proyekto ay siguradong barubal. Gano’n ‘yun!

 

Ang sabi noon ni Mayor Digong, corruptions must stop!

Heto ngayon at mismong si Mayor Digong ang umamin na talagang mahirap supilin ang talamak na korupsiyon sa gobyerno na tila ba sumusuko na sa bulok na sistema na ipinagkati­wala niya sa mga genius na mga kaklase na sa pasimula pa lamang ay namayagpag na ang ilan sa kanila, kaya sinibak.

May mga namemeligro pang matapyas sa puwesto sa susunod na mga araw, pero ang problema ay kung saan, sino at kailan darating ang totoong makatutulong sa administrasyon ni Mayor Digong. Mayroon kaya?

 

NIA, BOC, BID, AFP mga unang nasampolan

Marami sa binitbit ni Mayor Digong ang maagang nasabit sa korupsiyon at mas marami pa ang mga dinatnan niya sa puwesto ang sinibak din dahil sa kati­walian at pag-abu­so sa pondo upang makapag-around the world. Parang nahahawig na tu­loy si Mayor Di­gong  kay Lone Ranger na tanging si Bong Go na lamang ang nag­mis­tulang tapat na alalay na si Tonto. Aray ko!

BAKAS
ni Kokoy Alano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Kokoy Alano

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …