Sunday , December 22 2024

Recall ng plakang 8 iniutos

INIUTOS ni House speaker Gloria Maca­pa­gal-Arroyo kahapon ang pagbabalik ng lahat ng plakang 8 na ibinigay sa mga miyembro ng Kama­ra matapos ang insidente ng road rage sa Pam­panga na kinasangkutan ng isang sasakyan na gumagamit ng plakang 8.

Ayon kay Majority Leader Roland Andaya, Jr., nag- isyu ng memo­randum ang Secretary General ng Kamara sa lahat ng miyembro na ibalik sa Kongreso ang lahat ng plakang may tatak na 8.

“We would like to reiterate the memo­ran­dum issued by the Secretary General for all members of the House regarding the recall of protocol plate number 8, and I would like to read on record and reiterate to the members: We have received reports that certain vehicles with protocol plate number 8 have been spotted in inde­cent places or figured in crime-related activities,” pahayag ni Andaya.

Aniya nagbigay na ng utos si Speaker Arroyo na lahat ng plakang may numero 8 mula noong mga nakaraang Kongreso ay ibalik na sa Kamara.

“Kindly return these car plates to the office of the Secretary-General for proper acknowledge­ment,” ani Andaya.

Ang kasalukuyang ika-17 Kongreso ay hindi nag-isyu ng tinatawag ng “protocol plate 8.”

Nanawagan si House Deputy Minority Leader at AKO Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin Jr., sa may-ari ng FJ Cruiser na sangkot sa pambubugbog ng isang driver sa Angeles City na lumantad pagka­tapos hulihin ng pulis ang suspek na kinilalang si Jojo Valerio.

Si Valerio ay nag-viral sa Facebook habang sinu­suntok ang driver ng isang sedan na kinilalang si Jesusito Palma, 26-anyos nurse.

“Nadadamay ‘yung members ng Congress especially so, na ‘yung perpetrator pala doon, ‘di naman miyembro ng Kongreso,” ani Garbin.

Batay sa report, ayaw ni Valerio ilabas ang pangalan ng may-ari ng FJ Cruiser na may plakang 8 na ginamit niya.

“Mate-trace naman ‘yun e, kasi may serial number ‘yun e. May bar­code ‘yung plaka na ‘yun kung kanino galing ‘yun. Pwedeng panagutin kung sino ang namigay. ‘Di tama ‘yun [na ipagamit sa iba,” dagdag ni Garbin.

Ayaw ni Garbin na tanggalin ang plakang 8 pero dapat i-regulate ang paggamit nito.

“Somehow nagaga­mit sa pang-aabuso, but it doesn’t mean na tang­galin na. Siguro dapat i-regulate lang ‘yung pag­gamit at pag-iisyu,” ani Garbin.

(GERRY BALDO)

‘Road rage’ suspect arestado (Driver ng FJ Cruiser ‘8’)

 

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *