INAKUSAHAN ng Tanggol Bayi, asosasyon ng mga babaeng tagapagtangol ng karapatang pantao, ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa walang humpay na paglabag sa karapatan ng mga kababaihan sa gitna ng kampanya laban sa rebelyon.
Ayon kay Geri Cerillo, Tanggol Bayi coordinator, sangkot ang mga sundalo at mga pulis sa mga kalupitan laban sa kababaihan.
“The drug war did not only spin a series of brutal killings perpetrated by police forces that hide behind their twisted narratives. This campaign by the Duterte regime also gave rise to cases of gross violence against women and children committed with impunity,” pahayag ni Cerillo.
“Several non-government organizations (NGOs) have revealed a heinous scheme called sex-for-freedom scheme or ‘palit-puri’ rampant among police operations, but have exponentially worsened in the course of the drug war. This involves police operatives using the drug war to rape women, by way of bargaining unwanted sexual intercourse with suspected women drug suspects or women relatives of persons they accuse of peddling drugs in exchange for freedom,” paliwanag ni Cerillo.
Ayon sa Tanggol Bayi may 15-taong gulang na babaeng inakusahan ang isang PO1 Eduardo Valencia na palalayain ang nanay niya kapalit ng pakikipag sex sa kanya.
Binanggit rin ng Tanggol Bayi ang mga report tungkol sa dalawang pulis Quezon City na nakipag-sex sa isang babae kapalit ang pagpapalaya rito.
Ayon sa Tanggol Bayi, ang mga insidente ay dapat imbestigahan at maglagay ng mekanismo para mahinto ang ‘diskarteng’ ng palit-puri. (GERRY BALDO)