SINGAPORE – Hindi makapapayag si Pangulong Rodrigo Duterte na maging lunsaran ng armadong tunggalian ng US at China ang West Philippine Sea.
Ito ang pangunahing dahilan kaya walang pinayagan na bansa si Pangulong Duterte na gamiting imbakan ng kanilang armas ang Palawan, ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.
Naniniwala aniya ang Pangulo na mas makabubuti na pairalin ang diplomasya sa pagtugon sa isyu kasabay nang paniniwalang mas nakakiling sa interes ng Filipinas ang pagsasagawa ng constructive dialogue sa China sa pamamagitan ng bilateral consultation mechanism.
(ROSE NOVENARIO)