TATALIMA ang Kamara sa pasya ng Sandiganbayan patungkol sa hatol nito kay dating First Lady at ngayon ay Leyte Rep. Imelda Romualdez Marcos.
Ayon kay House Majority Leader Rolando Andaya, rerespetohin ng Kamara ang desisyon ng Sandiganbayan.
“While there are remedies available to all persons under our criminal justice system including but not limited to provisional remedies and appeal, the House will respect and abide by the decision of the Sandiganbayan,” pahayag ni Andaya.
Hinatulan si Marcos sa pitong kasong graft at ipinapadiskalipika na manungkulan sa “public office” habambuhay.
Ngunit wala pang natatangap na kopya ng desisyon ang Kamara.
“We have yet to receive a copy of the decision,” ani Andaya.
(GERRY BALDO)