Bale 4 years na pa lang endorser ng Nailandia si Marian Rivera at sa renewal ng kanyang contract sa Relish Resto sa Tomas Morato ay nagpahayag si Marian na gusto niyang magkaroon ng sarili niyang franchise ng ine-endosong nail studio and body spa.
Kaya lang sa ngayon ay hirap sa paghahanap ng magandang puwesto at buntis rin siya sa pangalawang anak nila ni Dingdong Dantes. Flattered si Marian, nang sabihin ng lady owner ng Nailandia na since siya ang naging celebrity endorser ng kanilang company, mula sa 26 branches, dahil sa lawak ng fan base ng Kapuso actress, ngayon ay umabot na sila sa mahigit 130 branches nationwide at may inquires na rin silang natatanggap from abroad.
Hindi malayong magkaroon ng Nailandia sa States, Dubai, at iba pang countries. At sa tanong kung nabigyan ba ng increase si Marian sa kanyang renewal?
Wala raw dahil mabait kausap ang actress at manager nanay-nanayan niyang si Sir Rams David na mayroong franchise ng Nailandia at Heroes Barber Shop na parehong located sa GYY Bldg. cor E. Rodriguez Ave and Tomas Morato. Kasosyo niya rito ang kaibigan niyang director na si Direk Don Cuaresma. In all fairness, ay dinagragsa ito ng customers.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma