PARANG may planong pagsasamahin ang dating magkasintahang JM de Guzman at Jessy Mendiola. Dalawang taon din silang nagkarelasyon na naghiwalay noong 2013. Nagkabalikan sila noong April 2015, subalit pagdating ng November, kinompirma ni Jessy na break uli sila.
Bukas si JM na makatrabaho muli ang dating girlfriend sa isang proyekto. Aniya, depende kung maganda ang project na inaalok sa kanilang dalawa tiyak na gagawin nila.
Inamin ni JM na kaya nitong maging professional kay Jessy at isasantabi ang kanilang nakaraan. Ang gusto nitong mangyari ay mag-move-on na lang, maging professional at maging magkaibigan na lang na sila.
Single ngayon ang aktor, samantalang karelasyon naman ni Jessy ang Kapamilya TV host na si Luis Manzano na ayon sa kanya, nagpapansinan sila ng anak ni Ate Vi tuwing nagkikita sa ASAP. May respeto sila sa isa’t isa.
STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu