Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Diego Loyzaga
Diego Loyzaga

Diego, 2 linggo o higit pa na mananatili sa isang pribadong institusyon

HALATA mong ginagawa nila ang lahat ng damage control sa paghahangad na maisalba si Diego Loyzaga sa posibleng negatibong epekto ng mga naglalabasang balita tungkol sa kanya. Bagama’t noong bandang huli ay natahimik na nga ang mga media na kanilang “napakiusapan”, at dahil wala rin namang makuhang bagong impormasyon, paano nga ba ipaliliwanag kung tumagal na mawala siya sa kanyang ginagawang serye?

Mukhang wala ring saysay iyong pinalabas sa isang radio program na umano ay nag-deny si Diego mismo sa pamamagitan ng text sa telepono ng mga naunang balita. Iyong mga nakaaalam ng kuwento, alam na hindi magsasalita si Diego o sino man sa kanyang pamilya. Hindi sila aamin, pero wala rin naman silang planong gumawa ng denial.

Iyong mga hindi sanay sa damage control, ang unang iniisip ng mga iyan ay denial. Pero kung ang handler ay sanay sa damage control, hindi ganyan ang gagawin. Kasi ano pa ang magiging kredibilidad nila pagkatapos niyon? In the first place, ni hindi na yata nila alam kung ano pa ang mga sumunod na pangyayari.

Matapos ngang ilabas si Diego sa St.Lukes, pansamantala siyang inilipat sa isang higit na pribadong institusyon para makapag­pagaling pa siya nang lubusan bago humarap na muli sa camera.

Sinasabi nilang mga dalawang linggo, o baka higit pa ang kanyang ilalagi roon para nga mas maka-recover pa siya sa mga nangyari. Wala namang malubha. Ayos lang naman ang lahat. Sinisiguro lamang nila na walang magiging komplikasyon ang nangyari.

Kung iyan ba naman ganoon na lang ang sinasabi eh, tutal wala namang masama. Mas magiging credible pa sana ang kanilang ginagawang damage control. After all “napakiusapan” na rin naman nila ang karamihan.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Bagong imahe ni Baron, ipinangangalandakan sa social media

Bagong imahe ni Baron, ipinangangalandakan sa social media

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …