PATAY ang isang beteranong mamamahayag makaraan pagsasaksakin sa bayan ng Daraga, Albay, nitong Linggo.
Ayon sa isang testigo, nakita niyang papalabas ng basketball court ang biktimang si Celso Amo na may saksak sa likod.
Ngunit hinabol ng suspek at muling inundayan ng saksak ang biktima.
Mabilis na nagresponde ang mga pulis na ilang metro lang ang layo ng istasyon sa baskeball court, at nadakip ang suspek.
Isang bolo na may habang 15 pulgada ang ginamit ng suspek.
Hindi muna nagbigay ng pahayag ang pamilya ni Amo, na nagsilbing correspondent ng Philippine Star sa loob ng 21 taon.
Ayon sa pulisya, sinabi ng suspek na tila pinagkakaisahan siya ni Amo at ng mga kalaro ng biktima.
Samantala, sinabi ng pamilya ng suspek na may diperensya sa pag-iisip ang kanilang kapatid makaraan mamatay ang kanilang ina.
HATAW News Team