IKINAGALAK ni Isabela Rep. Rodolfo Albano III ang desisyon ni Pangulong Duterte na i-appoint si Sen. Gregoria Honasan bilang Secretary of the Department of Information and Communications Technology (DICT).
Si Albano, na nagsilbi bilang lider ng pangkat ng Kamara sa Commission on Appointments, naniniwala na si Honasan ay kalipikado sa trabaho dahil sa kanyang military background.
Ani Albano, bilang military officer maraming liham ang natatanggap niya at bilang miyembro ng Kongreso naging bahagi ito ng mga pagdinig patungkol sa sektor ng information and communications.
“The President did the right in appointing a veteran legislator instead of a technical man,” ani Albano.
“Having served in the Senate for more than 10 years, Honasan knows the people’s need for efficient and reasonably priced telecommunications services,” dagdag ni Albano.
(GERRY BALDO)