Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
JM de Guzman Rhian Ramos Kung Paano Siya Nawala
JM de Guzman Rhian Ramos Kung Paano Siya Nawala

JM, na-inlove sa istorya ng Kung Paano Siya Nawala

Naka-connect ako sa kanya,” sambit ni JM de Guzman kung bakit niya tinanggap ang pelikulang Kung Paano Siya Nawala na palabas na sa kasalukuyan, handog ng TBA Studios at pinagbibidahan nila ni Rhian Ramos.

Sambit pa ng actor, ”First time kong nabasa ‘yung script, gusto ko na talaga siyang gawin. Ang ganda ng story and character.”

Ang Kung Paano Siya Nawala ay ukol sa istorya ni Lio (JM), isang tahimik at ni ayaw makihalubilo sa iba dahil sa  mayroong disorder, ang face blindness. Ito ay isang cognitive disorder na hirap makakilala ng isang tao.

Subalit nabago ito nang ma-inlove kay Shana (Rhian), isang magandang babae na punumpuno ng buhay na mayroon ding itinatagong sikreto sa buhay.

Ani JM, na-challenge siya sa karakter niya sa Kung Paano Siya Nawala. Bukod pa sa gusto rin niyang makatrabaho si Rhian at ang director nilang si Joel Ruiz na isa rin sa mga nagsulat ng nito.

Sambit pa ni JM, marami sa mga nangyari kay Lio ay nata-tap niya sa personal niyang buhay.”Napagdaanan ko rin,” susog ng actor.

Palabas na ang Kung Paano Siya Nawala na nagtatampok din kina Agot Isidro, Barbara Ruaro, atRicky Davao.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …