MALAPIT nang matapos ang 2018 pero patuloy pa rin ang paghihirap ng mga Pinoy, ayon sa opisisyon sa kabila ng pahayag ng Philippine Statistics Authority na ang inflation noong nakaraang Oktubre ay nanatiling 6.7 porsiyento.
Ayon kay Marikina Rep. Miro Quimbo, habang minamaliit ng administrasyong Duterte ang datos mula sa PSA, ang katotohanan ay napakataas ng presyo ng mga bilihin ngayon sa loob ng siyam na taon.
Ani Quimbo, dapat nang kumilos ang mga kongresista para ipawalang bisa ang mga kontra-mahirap na buwis sa loob ng TRAIN Law sa pamamagitan ng pag-aproba ng HB No. 8171.
Dapat aniyang suspendehin ang excise taxes sa diesel at kerosene na kadalasang ginagamit ng mahihirap.
Sa panig ni Akbayan Rep. Tom Villarin nagbubulag-bulagan ang admnistrasyong Duterte sa pagtaas ng mga presyo ng pangunahing bilihin.
“President ‘Pahirap’ Duterte is dragging his feet on inflation blaming global external factors and saying he can’t do anything about it. The Bureau of Customs shabu scandal has contributed to a backlog in the release of imported goods including rice that could have mitigated high prices. Now his order for a military takeover of the BOC worsens the situation,” ani Villarin.
“Sa ginawang pahirap ni Pangulong Duterte, wala tayong maaasahan sa kanya para tugunan itong inflation. Habang nalulunod tayo sa taas ng presyo ng bilihin, imbes salbabida ang inihagis, malaking bato ang ipinukol sa atin,” dagdag ni Villarin.
Ang Akbayan party-list ay kasama ni Quimbo at ang halos 20 kongresista na nagtutulak na ipawalang-bisa ang mga excise tax sa produktong petrolyo.
(GERRY BALDO)