Wednesday , May 14 2025

P25 wage hike kapos sa kilong NFA rice (Umento sa mininum wage aprobado )

 INAPROBAHAN ng wage board sa National Capital Region ang P25 dag­dag sa sahod para sa mga kumik­ita ng minimum wage, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nitong Lunes.

Sa bisa ng Wage Order No. NCR-22, na inilabas ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-NCR, magiging P500 hanggang P537 na ang halaga ng minimum wage sa iba’t ibang sektor sa Metro Manila.

Magiging epektibo ang utos 15 araw maka­raan itong mailathala, sabi ni Bello.

Isinama na rin daw sa umento ang P10 cost of living adjustment (COLA).

Magugunitang P334 ang inihirit na dagdag-sahod ng labor group na Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) sa wage board.

Habang iniulat na P20 ang inialok na dagdag-sahod ng grupo ng mga negosyante na Employers Confederation of the Philippines (ECOP) ngu­nit itinanggi nila ito.

Inianunsiyo rin ng DOLE na magkakaroon ng P10 basic pay increase at P10 per day COLA sa Cagayan Valley, at P12 hanggang P20 umento sa minimum wage sa Mima­ropa (Mindoro, Marin­duque, Romblon, at Palawan) region.

Ibig sabihin, magla­laro sa P320 hanggang P360 ang minimum wage sa Cagayan Valley habang P283 hanggang P320 sa Mimaropa.

Samantala, umapela ang koalisyon ng labor groups nitong Lunes para sa P100 minimum wage increase sa National Capital Region, makaraan kompirmahin ng Depart­ment of Labor and Employ­ment ang P25 dagdag-sahod sa mini­mum wage earners sa Metro Manila.

Magugunitang humi­rit ang Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philip­pines ng P334 wage increase habang ang Employers Confederation of the Philippines ay nag-alok ng P20 dagdag-sahod.

“‘Yung P25 e baryang-barya ito sa medium and large enterprises,” paha­yag ni ALU-TUCP spokes­person Alan Tanjusay.

“Baka ho puwedeng P100 man lang ‘yung dagdag sa sahod. Kung P25, wala po, hindi ka­yang bumili ng isang kilong NFA rice ‘yan,” aniya.

HATAW News Team

‘Di makatarungan — ALU-TUCP (P25 wage hike)

‘Di makatarungan — ALU-TUCP (P25 wage hike)

About hataw tabloid

Check Also

Comelec Elections

Mga artistang hindi pinalad 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MARAMING mga talunan sa mga taga-showbiz. Nandiyan sina Ara Mina, Ejay …

Sam Verzosa Dan Fernandez Ejay Falcon Bong Revilla Manny Pacquiao Willie Revillame Phillip Salvador Vico Sotto

SV, Dan, Ejay pagkatalo maagang tinanggap; Bong, Manny, Willie, Ipe olats; Vico pinakain ng alikabok ang kalaban

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GUSTO rin namin ang ginawang pag-concede nina Sam Verzosa, Dan Fernandez, …

Luis Manzano Vilma Santos

Luis Manzano bigo bilang VG ng Batangas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAGKAHALONG saya at lungkot for sure ang nararamdaman ng mahal nating …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon hindi na iiyak sa pagkapanalo ni Kiko 

I-FLEXni Jun Nardo IT’S all over but the shouting! May nanalo na at may natalo …

DOST 2 ISU-BIRDC

Driving Digital Transformation: DOST 2, ISU-BIRDC Strengthen SETUP MSMEs Through Digital Skills

THE Department of Science and Technology (DOST) Region 02, in collaboration with Isabela State University …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *