Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Since I Found You Alessandra de Rossi Piolo Pascual Arci Munoz Empoy Marquez
Since I Found You Alessandra de Rossi Piolo Pascual Arci Munoz Empoy Marquez

Alessandra, na-hurt na naging taga-abot lang ng kape kay Piolo

SA pelikula muna magko-concentrate si Alessandra de Rossi dahil pahinga muna siya sa teleserye pagkatapos ng Since I Found You kasama sina Arci Munoz, Empoy Marquez, at Piolo Pascual na idinirehe nina Antoinette Jadaone at Andoy Ranay mula sa Dreamscape Entertainment.

Nabanggit ng aktres na noong i-offer sa kanya ang serye ay nakalagay na siya ang leading lady, pero hindi nangyari dahil naging taga-abot siya ng kape ni Piolo bilang si Nathan.

Aniya, ”Sa ngayon wala, magpapahinga muna ako, gusto kong maging reporter charot! Sa CNN charot.”

Sabay sabing, ”noong in-offer siya (SIFY) sa akin, leading lady talaga (ako), kilala n’yo naman ako eversince, bago ‘yun, two years akong walang show dahil lahat tinatanggihan ko, lahat ayaw ko ‘yung role.

“Finally, may role na gusto ko kasi leading lady (sa teleserye) ako, ‘bago ‘to ah, try nga natin.’ ‘Yun naging taga-abot ako ng kape at saka papel (sekretarya) kay Papa P (Piolo), so masaya naman ako na natapos na ‘yung show. 

“Gustong-gusto ko na kasing gawin ito (Through Night & Day), hindi ko nga naisulat ‘to, ‘di ba dahil nga busy ako roon (Since I Found You). I don’t know kung ano ‘yung nakarating na tampo and all, but hindi ‘yun ang in-offer sa akin na role, kung alam ko na mag-aabot lang ako ng kape, ginawa ko na ito (pelikula) agad kasi naghihintay ‘tong movie na ito!

“Hindi ko alam kung paano napalaki ng ibang tao, hindi ko na alam ‘yung part na ‘yun. Hindi ako um-exit frame kasi hindi naman ganoon, hindi dapat magkaganoon. Iba talaga ‘yung in-offer sa akin na role, knowing me na very, very picky sa projects, sobra kahit magutom ako hindi ko gagawin kapag ayaw ko. Asan ‘yung in-offer? Wala yata rito (script).”

Hindi ba siya nakipag-usap sa Dreamscape kung bakit nabago ang role niya na leading lady ay naging taga-abot ng kape?

“Tapos na noong sinabi sa akin, three weeks to go na lang, so kung sinuman nagsulat (script), sana malinawan ka na kasi medyo na-hurt ako sa sinabing ‘sana magbago ang attitude ko.’ Kasi may attitude ako na parang tipong umasa ako, pinaasa talaga ako, ha, ha, ha, ha.’ Ganoon po ‘yung pakiramdam na akala mo kayo, pero magiging friends lang pala kayo, ‘yung ganoon?

“Ako naman talaga walang isyu as in wala naman talagang isyu sa akin, gusto ko na kasing gawin ito (pelikula) as in September palang naghihintay na ito, tapos August nila in-offer (Since I Found you) the following year nila sinabing hindi mangyayari, so one year ‘yung (nasayang). Alam ni Papa P, sabi nga niya, ‘professional tayo wala namang isyu roon,” pagkukuwento pa ni Alex.

Gagawa pa ba ulit ng serye si Alessadra sa ABS-CBN”dapat may kontrata na.”

ni Reggee Bonoan

Paolo, iba ang humor — Alessandra

Paolo, iba ang humor — Alessandra

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …