MALUGOD na sinasalubong ng Beautederm Corporation ang Primetime Queen ng GMA-7 na si Marian Rivera-Dantes sa lumalaki nitong pamilya sapagkat opisyal nang nakipag-collaborate ang aktres sa kompanya bilang kauna-unahang celebrity endorser ng pinakabagong line of products ng Beautederm, ang Reverie by Beautederm Home.
Itinatag ang Beautederm noong 2009 ng Presidente at CEO nitong si Rhea Anicoche-Tan. Kinakatawan ng Beautederm ang prinsipyo ni Rhea na nagsisimula ang kagandahan kapag inalagaan natin ang ating mga sarili, at sa pagawa nito, magiging malusog ang isang tao at aapaw ang kagandahan hindi lamang sa labas ngunit sa loob din.
Bilang isa sa mga pangunahing lider ng industriya ng beauty at wellness, binibigyang halaga ng Beautederm ang kaligtasan at pagiging epektibo ng lahat ng mga FDA Notified products nito. Ang mga produkto ng Beautederm ay gumagamit ng mga natural na sangkap na pinagsama-sama upang makapagbigay ng pinakamabilis at pinaka-epektibong resulta na parehong long-term at sustainable. Isang consistent Superbrands awardee, ilan sa mga flagship brand ng Beautederm ay ang Beautederm Skin Set na mayroong patented soap, day cream, at toner; Beautederm Facial Wash; at Beautederm Origin Senses perfumes for men—na lahat ay top-selling na mga produkto sa mercado ngayon. Sa kasalukuyan, mayroong 41 physical stores ang Beautederm sa iba’t ibang panig ng bansa at mayroon itong higit sa 100 resellers ‘di lamang dito ngunit sa ibang bansa rin.
Ang Reverie by Beautederm Home ay isang exquisite line ng mga home scents—mula sa mga soy candle hanggang sa mga room at linen sprays—na nilikha ng Beautederm sa pakikipagtulungan kay Marian para mapabango ang bawat tahanan.
Ang Reverie ay laro ng salita ng apelyido ni Marian noong siya’y dalaga pa at ang konsepto na gustong maging epekto ng brand sa bawat gagamit nito—ang mag-drift away, managinip, at mag-relaks habang nag-eenjoy sa mga kakaiba, matatamis, at beautiful scents of love ng Beautederm Home. Ang Reverie line of Beautederm Home ay kinabibilangan ng Into The Woods (Bamboo Scent), Smells Like Candy (Cherry Scent), Time To Bloom (Fresh Rose Scent), Something Minty (Eucalyptus Scent), at Rest & Relaxation (Lavender Scent)–ito ay made from pure soybean oil, all natural ingredients na guaranteed safe para sa buong pamilya.
Isang icon ng kagandahan na mayroong timeless charm at keen sense of style na sinamahan pa ng soothing aura of motherly warmth – ilan lamang ito sa mga katangian kung bakit si Marian ang isa sa pinaka-respetado, enduring, at credible band endorsers sa Pilipinas ngayon.
Mayroong ‘di matatawarang track record si Marian pagdating sa mga desisyon niya sa kanyang karera at personal na buhay. Bilang isa sa pinaka-mahusay na aktres sa industriya, nagbida siya sa maraming critically-acclaimed na mga pelikula at sa isang consistent string top-rating primetime series sa Kapuso Network, isa na rito ang katatapos lamang na drama-action-fantasy top-rater na Super Ma’am. Isa rin siya sa mga main host ng Sunday afternoon variety show ng GMA-7, ang Sunday Pinasaya.
Gayunman, ang top priority ni Marian ay ang kanyang ultimate role bilang asawa, ina, at homemaker sapagkat only the best lamang para sa kanyang pamilya ang nais niya.
Para kay Marian, ang pagkakaroon ng maligayang tahahan ay ang pagkakaroon ng isang warm, safe, at pleasant na environment na nag-uumapaw ang love, care, at comfort. “Sa wakas, ito na po ang isa sa mga best kept secrets ko – ang Reverie by Beautederm Home,” sabi ni Marian. “Ito talaga ang aking personal choice para sa akin at para sa aking pamilya. Nagpapasalamat ako sa Beautederm at kay Ate Rhea para sa tiwala na i-represent ko ang amazing line of products na ito. Talagang ginagamit ko ito sa bahay because I want only the best for my family. Sobrang fresh at nakaka-relax ang amoy ng bahay namin at gusto ko itong i-share sa lahat.”
Sambit naman ni Tan, “Ito ang dahilan why we partnered with Marian – to make her simple, practical yet very stylish lifestyle accessible to everyone.”
Para sa karagdagang impormasyon sa Reverie by Beautederm Home at sa mga kapana-panabik na updates kay Marian, sundan ang @beautedermcorporation sa Instagram at i-like ang Beautederm sa Facebook